Ano ang magiging system ng pagpapasok ng DH dito sa Japan? Dec. 01, 2015 (Tue), 1,509 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
As I read the comments sa mga post about this DH issue, I think marami pa rin ang hindi nakaka-intindi ng magiging system ng pagpapasok ng mga DH workers here in Japan. Kanya kanya ng haka-haka na ang karamihan ay mali. Try nyong visit ang mga homepage ng mga related Japanese agencies tungkol sa issue na ito at marami kayong makikitang info about it.
Para sa ikaka-intindi ng karamihan, I tried to summarize here the info tungkol sa magiging system ng pagpapapasok ng mga DH workers here in Japan. As a summary, below is the information written in Japanese. Sa mga nakaka-intindi ng Nihongo, I think you can understand the whole meaning of it. You can also find more detailed information about it by just searching in Google.
「女性の活躍推進」を掲げる政府は、2014年初頭から家事代行サービスでの外国人受け入れを打ち出してきた。2015年9月1日には国家戦略特区改正法が施行され、特区内の日本人家庭で外国人家政婦が働くことができるようになった。
改正法に基づく指針では、外国人の活用はフルタイムの直接雇用に限定。期間は最長3年で日本人と同等以上の報酬を支払う。勤め先での住み込みを禁止し、受け入れ企業が住居を確保するほか、必要な研修を行うことなどを盛り込んでいる。
Meron kahabaan ito pero free naman, so I hope na basahin ninyo lahat. Sa pagbasa nito, I hope na magiging clear na sa inyo kung ano ang magiging system ng pagpasok ng DH workers here in Japan. You are free to share this info to your friends.
Note: The picture below is an image of Domestic Helper in Hongkong during their off.
Q1: Matutuloy ba ang pagpasok ng mga DH sa Japan?
A1: As what written above, ito ay tuloy na at naaprobahan na ang law of implementation nito. Kaya sa mga nagsasabi dyang hindi ito matutuloy, tumigil na po kayo at masasayang lang ang laway ninyo.
Noong September 1, 2015, napagpasyahan na ito ay sisimulan muna sa mga lugar identified as Special Economic Zone. To be exact, sa Kanagawa at Osaka ang uunahin ngayon. Ang implmentation sa lugar na ito ay parang magiging trial basis muna. Depende sa magiging result nito, maaaring magkaroon din ng implementation or pagpapasok sa iba pang Special Economic Zone like in Fukuoka, Okinawa and other places. Then kung magiging maganda ang result nito, Japan nationwide na. Meaning kahit saang part ng Japan, maaaring magkaroon na ng DH workers.
Q2: Ano ang magiging employment status ng mga DH na papasok dito sa Japan?
A2: As what written above, ang mga papasok na DH worker here will be identified and limited to FULL TIME WORKER. Hindi sila mga arubaito or part time worker lamang. So magkakaroon din sila ng mga health insurance, pension at mga taxes na kailangang bayaran.
Kung ano ang magiging benefit, siguro nasa employer nilang company na ito or sa detail ng kanilang employment terms and conidtion na makikita ito. Siguro meron mga overtime fee, pero I doubt it kung meron bonus.
Q3: Anong ang magiging visa at gaano kahaba ang validity nito?
As what written above, 3 years lamang ang maximum length ng visa na ibibigay sa mga papasok here na DH workers. Yong type ng visa ay hindi pa clear at maaaring lumabas ito next year base sa magiging pasya ng Ministry of Justice. Pero marami ang nagsasabi na magiging DESGINATED VISA rin ang mga ito katulad ng mga nurse at caregiver na pumapasok here under JPEPA.
This is quite an issue kasi hindi clear at nagiging maingat ang Japanese government sa pagpasya dito. Dahil maraming nagsasabi na, after 3 yaers, ano ang gagawin sa mga workers na ito? Do you think na lahat ba sila ay uuwi ng ganun lamang? Maaaring maging isang reason ito para dumami ang mga overstayer na naman dito sa Japan, dagdag pa ng iba. Meron din nagsasabi na, after na mapakinabangan ng 3 taon, parang ganun lamang at itatapon na lamang pabalik sa kanilang mga bansa.
Q4: Magkano ang magiging salary ng DH workers dito sa Japan?
A4: As what written above [日本人と同等以上の報酬を支払う], it means na ang magiging salary nila ay pareho sa mga Japanese or more pa. If you will try to search the monthly and annual salary ng mga Japanese working as home helper here in Japan, ang monthly salary nila ay pumapatak sa 16 to 20 lapad monthly, at nasa 240 to 300 lapad yearly. This is an average figure. Since nakasulat na more than pa sa sweldo sa mga Japanese, siguro ang maximum ay nasa 320 lapad yearly with overtime. So, ito ang magiging average salary ng mga DH workers na papasok here in Japan.
Yong nababalitang 66,000 PHP, pasok sa range na ito. Kaya lang from this amount, hindi pa tanggal ang mga dapat bayaran na mga taxes, insurance, bayad sa bahay, kounetsuhi (tubig, gas, kuryente), internet at cellphone. Kung ibabawas ito lahat, siguro swerte mo na kung meron kang matirang 15K to 20K monthly. So kung ito lang ang matitira sa iyo, at kung ito ay kinikita mo naman sa Pinas sa ngayon, I think pag-isipan muna sigurong mabuti kung dapat ka bang magtrabaho dito sa Japan bilang DH.
Q5: Saan titira ang mga DH workers at sino ang magiging employer nila?
A5: As what written again above, ang mga DH workers ay pinagbabawal na tumira sa mga bahay ng pagtatrabahuan nila. Ang mga company na kukuha sa mga DH ang syang magiging direct employer nila. Ang mga company na ito will provide the housing kung saan titira ang mga DH workers. So yong mga nagsasabi dyang hindi ito matutuloy dahil sa ayaw ng mga hapon ng kasama sa bahay ay tigilan nyo na rin po dahil hindi po ganun ang system.
The company will be the one who will manage the DH workers and dispatch them sa mga bahay na meron request of work. So meaning, they will work in different houses at paikot ikot sila. Ang mga Japanese family will send a job order request sa mga company na ito, at ang company naman ang magpapadala ng DH sa bahay nila para gawin ang gawaing bahay.
Ito ang system na naisip ng Japanese government dahil hindi talaga possible na tumira ang mga DH sa mga bahay nila. One big reason for this ay dahil sa responsibility at kung sino ang maaaring managot dito kapag meron nangyari or ginawa ang isang DH workers. Dito papasok ang company bilang guarantor at magiging responsible sa lahat na gagawing mali ng isang DH worker.
Q6: Paano ka makakapasok bilang isang DH worker dito sa Japan?
Q6: If you want to go here as a DH, all you have to do is mag-apply sa mga company that will conduct a recruitment about it sa Pinas. Take note na hindi lamang just to apply, dahil as what written above, meron mga training na dapat nyong tapusin para kayo ay makuha ng mga company na ito.
Sa mga nagkalat na news now, ilan sa mga company na meron plano na kumuha ng mga DH workers sa Pinas ya ang Bears 500 katao, Pasona 50 katao at Daison 10 katao, which are mostly outsourcing company. Ang iba sa kanila ay nakipag team-up na sa ilang recruitment company sa Pinas at nagsimula na rin mag-training para sa mga unang papasok dito next year.
Q7: Kaya bang bayaran ng isang average Japanese family ang service fee ng DH?
A7: Sa mga mayayaman at meron malalaking bahay dito sa Japan, there is no doubt na kukuha sila ng service na ito dahil ginagawa na nila ito now kaya nagkukulang ng workers talaga. The question here ay ang mga Japanese family na meron average income lamang. Base sa pag-aaral ng mga company, kung once or twice a week lang naman, capable silang magbayad ng service ng mga DH. At kung ito ay mga nasa 1 lapad lamang for 1 to 2 hours, there is no doubt na marami ang kukuha dahil marami rin ang can afford talaga.
The big question here is kung meron support na ibibigay ang Japanese government sa mga company na kukuha ng DH workers. Sa ngayon, hinihiling nila sa Japanese govenrment na sagutin nito ang expenses sa training at transportation ng mga DH na papasok dito sa Japan. Kung hindi ito mangyayari, babawiin nila ito sa service fee nila at ito ay tataas, at maaaring kukunti lamang ang kukuha ng service ng DH at ito ay hindi magiging sucessful. Kung hindi itataas ng mga company ang kanilang service fee for DH, malulugi sila dahil sa mga ginastos nila dito, and in result, walang company ang maaaring kumuha pa ng DH sa ibang bansa.
Q8: Bakit kinakailangang magpapasok ng DH ang Japan?
A8: As what written again above, isang strategic plan na ng present Japanese administration ang pagpapalakas ng kanilang labor manpower and one way to solve this ay ang paramihin ang mga Japanese workers na kababaihan. Karamihan sa ngayon ng mga Japanese woman ay umaalis sa trabaho at nahihirapang makabalik kapag sila ay nanganak dahil sa wala silang katulong sa bahay at sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Upang matingnan nilang mabuti ang kanilang mga anak at magawa ang mga gawaing bahay, nagiging fulltime housewife sila at ito ang pinanghihinayang ng Japanese government. Marami sa kanila ay mga talented, may natapos, very skillful, at maaaring magpatuloy sa pagtrabaho at ito ay magagawa lamang kung meron silang makakatulong sa bahay. As a solution, ang pagpapasok ng DH workers dito sa Japan ang nakita ng Abe administration.
Hindi lamang ito, sa pagpapasok ng mga DH din, inaasahan din ng Japanese government na tataas ang kanilang birth rate again dahil meron na silang makakatulong sa pag-aalaga sa mga bata.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|