malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Permit application for Spouse of Working Visa holder

Jan. 28, 2019 (Mon), 1,604 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Bilang karugtong ng article namin dito tungkol sa pagpapapunta ninyo sa inyong family kung kayo ay Working Visa (WV) holder, pag-usapan naman natin kung paano makakapag trabaho ang inyong asawa ng legal dito sa Japan.


Bilang isang FAMILY STAY VISA holder, ang inyong asawa ay pwede ring mag-trabaho ng legal dito sa Japan kahit na hindi full time. Kailangan nyo lamang na mag-apply ng Working Permit para sa kanya sa Immigration office.

Unlike ng spouse ng isang Japanese national or Permanent Visa holder na wala ng limit sa pag-work, ang inyong asawa na FAMILY STAY VISA holder ay limited lamang ang pagtatrabaho dito sa Japan. Ang limitation sa kanila ay tulad din ng Student Visa holder na 28 HOURS lamang a WEEK ang allowed sa kanila. Hindi dapat lumagpas dito dahil magiging illegal na ito at magiging violation na.

Kung makakapag trabaho ang inyong asawa ng 28 HOURS a WEEK dito sa Tokyo for example kung saan ang minimum wage per hour ay nasa 985 YEN sa ngayon, lets say na 1,000 YEN per hour ang magiging salary nya, sa isang linggo, ang sweldo nya ay magiging 28,000 YEN, in one month (4 WEEKS), ito ay nasa 112,000 YEN. Sa isang taon, mahigit 130 lapad ang maaaring maging annual salary nya. Malaking tulong ito sa inyong pamumuhay dito sa Japan lalo na kung meron kayong anak. So it will be advisable na magkaroon din ng work ang inyong asawa.

Now, para makakuha kayo ng working permit sa immigration, need nyo lamang mag-apply ng tinatawag na 資格外活動許可申請 SHIKAKUGAI KATSUDO KYOKA SHINSEI (APPLICATION FOR PERMISSION TO ENGAGE IN ACTIVITY OTHER THAN THAT PERMITTED UNDER THE STATUS OF RESIDENCE PREVIOUSLY GRANTED). Walang bayad ang processing nito sa immigration, at ang processing period ay nasa 2 weeks to 2 months. Para sa kinakailangang mga documents sa pag-apply nito, ito ay ang mga sumusunod:

1. Application Form

2. Letter or documents na nagpapatunay ng nilalaman sa gagawing activity na pagtatrabaho.

3. Residence Card (To present only).

4. Passport (To present only).

In case na gusto ng asawa ninyo na mag-work ng full time at hindi lamang arubaito, need na baguhin nya ang visa nya. Tulad ninyo, kinakailangan nyang mag apply din ng Working Visa. Pero in case na mag-change kayo to Permanent Visa at naaprobahan, ang inyong asawa ay hindi na kakailanganin ang working permit dahil wala na ring limit sa pagtatrabaho nya.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.