Permanent visa holder, di ba pwedeng mag-refund ng nenkin? Oct. 20, 2017 (Fri), 1,728 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tungkol sa katanungang ito na kumakalat now at natatanggap namin here in Malago, the answer to this is hindi totoo kung ang pagbabasehan lang ay ang type ng visa na hawak natin dito sa Japan. First, wala sa rule ng Japan Pension na magiging basehan ang visa na hawak ng isang foreigner upang makapag-refund ka ng nenkin.
Kaya nasasabi siguro ng iba na hindi pwedeng makapag refund ng nenkin ang isang Permanent Visa holder is because they are assuming na more than 10 YEARS na silang nakapag-contribute o nakapag-bayad sa nenkin. If that is the case, then you are not allowed nga now to refund your nenkin. Kaya lang, meron ding mga Permanent Visa holder na wala pang 10 YEARS here in Japan, so kung uuwi na kayo sa Pinas for good, you are still eligible na mag-refund ng inyong nenkin if you want.
Ayon sa rules ng Japan Pension tungkol sa pag-refund ng nenkin, ito ang kanilang mga condition na dapat nyong sundin kung gusto mong mag-refund. Wala sa mga condition na ito ang tungkol sa type ng visa na hawak ng isang applicant.
1. Dapat ang citizenship ay hindi Japanese.
2. Nakapag-contribute o bayad ng nenkin for more than 6 months.
3. Uuwi or lalabas na ng Japan for good, meaning mawawalan na ng permanent address dito sa Japan.
4. Hindi more than 10 years ang contribution sa nenkin. Dati, ang condition na ito ay 25 YEARS subalit nabago na nga to 10 YEARS. So hindi na nila allowed now na mag-refund ng nenkin ang mga ito dahil eligible na silang tumanggap ng RETIREMENT PENSION pagdating ng retirement period nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|