malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano refund ang nenkin (pension) na inyong binayad dito sa Japan?

Oct. 19, 2017 (Thu), 2,785 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay nagbabayad ng nenkin dahil sa inyong pagtira at pag-work dito sa Japan, subalit dumating ang panahon na kinakailangan nyo ng umuwi at lumabas na sa Japan for good (di na babalik pang muli), then, maaari nyong ma-refund ang nenkin na inyong binayaran until the day ng pag-alis ninyo.


Ang rules na ito ay para sa mga foreigner lamang na nagbabayad ng nenkin kasama ang mga trainee or mga workers na nagtrabaho temporarily at nagbayad ng nenkin at meron contribution ng more than 6 MONTHS. Ang pag-apply nito ay dapat gawin within 2 YEARS after na makalabas ng Japan dahil kung hindi, mawawala na ang inyong rights na mabawi ang binayad ninyong nenkin contribution.

Para makapag-apply nito, maaari lang kayo pumunta sa nenkin office o ipadala ang mga kailangang documents upang ma-process ang inyong nenkin refund. Ang mga kailangang documents ay ang mga sumusunod. Make sure na maihanda nyo ito lahat bago kayo umuwi o lumabas ng Japan.

(1) Passport Copy. Dapat na ma-copy ninyo ang mga info na nakasulat ang inyong name, birthdate, citizenship, signature at visa status page.

(2) Passport Copy kung saan meron seal or tatak ng inyong last departure from Japan. Ito ay ang seal na nilalagay ng airport immigration sa inyong passport.

In case na magpapasa na kayo ng application kahit na hindi pa kayo nakakauwi or nakakalabas, ang pwede ninyong ipasang document ay ang TENSYUTSU TODOKE (MOVING OUT NOTIFICATION) na inyong pwedeng makuha sa city hall kung saan kayo nakatira here in Japan.

(3) Bank account kung saan nila ipapadala ang nenkin na inyong mari-refund. Give them the bank name, branch name, branch location, account name and account number.

(4) Nenkin Techou (Pension Booklet)


For more detailed information on NENKIN REFUND processing, please click the link

BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.