malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Family, hindi pwedeng mag-guarantor ng student & working visa application

Jan. 08, 2017 (Sun), 1,986 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Another question na malimit naming matanggap dito sa MALAGO ay kung paano makakuha ng working visa, lalo na kung pwede ba nilang apply ng working visa ang ilan sa mga member of their family tulad ng kapatid at mga kamag-anak kung saan sila mismo ang tatayong guarantor dito. The answer for this is not possible.


Sa bawat type ng visa na gusto ninyong apply sa immigration, meron akmang tatayong guarantor dito na itinakda ng immigration na dapat sundin ng applicant. Mostly kung kayo ay isang common foreigner residence lang here in Japan, ang pwede nyo lang apply na visa para sa inyong mga kapatid, parents, kamag-anak, at mga kaibigan ay FAMILY VISIT VISA at TOURIST VISA lamang. Dito lang kadalasan limited ang pagiging guarantor ninyo.

Kung gusto ninyong makakuha ng working visa ang inyong mga kapatid or kapamilya, ang dapat na tumayong guarantor dito ay ang COMPANY na syang magbibigay ng work para sa kanya dito sa Japan. So the first thing you need to do is to find that company willing to hire you. Then the company ang syang magbibigay ng mga kailangang documents para sa Certifice of Eligibility (COE) at WORKING VISA application.

Sa pag-apply ng working visa, isa pa sa dapat ninyong tandaan ay hindi nagbibigay ng WORKING VISA ang immigration sa mga un-skilled work or labor. Ang applicant ay dapat meron natapos na pag-aaral or any certification na magpapatunay na skilled talaga sya sa trabahong papasukan nya dito sa Japan. Kung wala nito ang applicant, it is impossible na makakuha ng working visa.

Same with the STUDENT VISA application. Hindi kayo pwedeng tumayong guarantor para sa student visa application ng inyong kapamilya, dahil ang school mismo ang syang akmang tatayong guarantor sa application nito. So if you want to apply for this, you need to find first the school here in Japan kung saan gusto ninyong mag-aral. Enroll kayo sa school na yon, pay the tuition fee, then the school ang syang magbibigay ng mga needed documents para sa COE and STUDENT VISA application. Pwede lang kayong tumayong guarantor sa school para sa pag-aaral ng inyong kapamilya, pero di po kayo pwedeng tumayong guarantor sa student visa application nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.