Scammers, utang issue, top inquiry in MALAGO for year 2017 Jan. 17, 2018 (Wed), 771 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa pag start ng year 2018, we want to share also sa mga followers namin here in MALAGO some data na maaaring makatulong din sa inyo sa taong ito, para maiwasan ang mga problem na maaaring dumating sa inyo at makapaghanda lalo na sa mga issue na related sa mga inquiry na natatanggap namin here in MALAGO.
Everyday, we are receiving an average of 50 inquiries here now in MALAGO and as possible, sinasagot namin itong lahat. At ito ang TOP 3 na mga inquiries na natatanggap namin here asking for advise and some legal solutions.
Topping our chart are SCAM at mga UTANG ISSUE na naranasan ng ating mga kababayan dito sa Japan mula sa kanilang mga kakilala at mga kaibigan din na niloko sila at hindi na nagbabayad ng mga inutang na pera. To avoid these problems this year 2018, sa scam issue, wag makikipag deal or negotiate sa mga individual lamang lalo na kung malaking pera na ang nasasangkot. Wag mag deposit ng pera sa mga individual bank account na di nyo naman kilala lalo na yong mga bumibili ng plane ticket sa mga FB account lamang. Marami din kamiang natanggap na inquiry sa mga investment scam, kaya mag-iingat din kayo at wag maglalabas ng pera sa mga ganitong investment na hindi nyo naman naiintindihan.
Sa mga utang issue naman, as possible, wag din magpapautang ng malaking amount sa taong wala namang capabilities na magbayad dahil walang stable job ito. Marami ang tumatakas at nagtatago, o lumilipat ng tirahan at di na nagpaparamadam. Kung gusto nyong tumulong, tumulong at magbigay ng amount na kaya nyo lamang. Marami ang nagbabago ang pag-uugali kahit na kaibigan mo pa at kakilala kapag malaking pera na ang nasasangkot.
For the SECOND SPOT, we also received a lot of inquiries here in MALAGO last year 2017 mula sa mga family or kakilala ng mga nahuli ng immigration how to contact them, kung paano sila mapapauwi, paano sila mabibisita, paano sila makalabas at ano-ano pa. Kung meron kayong plan na gumawa ng something illegal here in Japan, isipin nyo muna kung ano ang mga risk at alamin ang mga penalties na maaaring ipataw sa inyo. And most of all, have someone na mapagkakatiwalaan ninyo na maaaring makontak at tumulong sa inyo, maging individual man ito or isang organization in times na mahuli na kayo ng mga pulis or immigration personnel. Ang makulong sa ibang bansa ay hindi biro, lalo na kung walang tumutulong sa inyo, at hindi marunong mag-salita ng language nila. So pag-isipan munang mabuti bago gumawa ng something illegal here in Japan.
For the THIRD SPOT is the REFUGEE issue. Mostly they are asking how to apply this at kung saan dapat mag-apply. Like the one we reported here in MALAGO, ang Pinas ang nangunguna sa dami ng applicants last year 2017, and it seems na dumami ito dahil meron mga broker or agency na kumukuha sa kanila at nagsasagawa ng application kapalit ng malaking kabayaran, and we received also lots of inquiry about it here.
Kung di naman kayo talaga refugee na maituturing at habol nyo lang ay makapag work here in Japan, I advise na wag na rin kayong mag-apply dahil kapag nalaman nilang fake naman ang inyong application, magiging bad record na ito sa inyo at maaaring maka apekto sa future application nyo ng visa dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|