malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa pagmamaneho ng overspeeding dito sa Japan

Sep. 10, 2018 (Mon), 1,666 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Overspeeding is the most common violation na nagagawa ng mga drivers dito sa Japan. Meron mga nagsasabing kahit na lumagpas ka ng plus 9 or 10km sa limit speed ay hindi magiging overspeeding, subalit ayon sa law nila, kapag lumagpas ka ng kahit 1km lamang sa itinakdang speed limit, overspeeding na ang magiging violation mo.


Mostly ang mga kalsada here in Japan, national road man or highway ay kadalasang meron mga sign na nakalagay kung ano ang limit speed na dapat nyong sundin. And once na nag-over kayo sa limit speed na ito na nakatakda at nahuli kayo, overspeeding violation ang haharapin ninyo.

Sa mga kalsada na walang sign kayong nakikita kung ano ang speed limit, ang sinusunod nila dito ay ang LEGAL SPEED LIMIT na nakatakda sa batas nila. Sa mga national road, ang speed limit nilang nakatakda ay 60KM/H, at sa mga highway naman ay 100KM/H.

In case na nahuli kayo sa charge na overspeeding, ang magiging penalty nyo dito ay mostly base sa kung ilan ang naging overspeed ninyo sa itinakda nila. Ang babayaran ninyong penalty at deduction sa points ninyo ay magiging base rin dito.

Kung ang naging overspeed mo ay 1 to 14KM/H, ang point deduction ay 1 POINT, at ang penalty ay 9,000 YEN. Kung ito ay nasa 15 to 19KM/H, magiging 12,000 YEN and so on. Maari nyong makita ang complete list nito sa internet kung inyong susubukang hanapin.

Now, kapag sobrang laki ng naging overspeeding ninyo, meron possibility na kunan agad kayo ng driving license. Kapag ang naging overspeeding ninyo sa national road ay over 30KM/H, maaaring bawian kayo ng inyong driving license. At kung sa highway naman, ang overspeeding na umabot sa 40KM/H or above ay magiging reason din para bawian kayo ng driving license ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.