malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang tinatawag na SYAKAI HOKEN dito sa Japan (Part 2)?

Jun. 22, 2017 (Thu), 3,265 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Bilang continuation sa nakaraang article, ang other meaning ng SYAKAI HOKEN base on its wide coverage ay sakop nito ang tinatawag na ROUDOU HOKEN (LABOR INSURANCE) which is mostly insurance na related sa ating trabaho dito sa Japan. Ito ay ang KOYOU HOKEN (EMPLOYMENT INSURANCE) at ROUSAI HOKEN (WORKERS ACCIDENT COMPENSATION INSURANCE).


Ang layunin ng KOYOU HOKEN (EMPLOYMENT INSURANCE) ay para ma-secure ang stability ng work and skill promotion ng isang employee or workers. Nagbibigay ito ng support in case na mawalan ng work ang isang member nito para maging stable pa rin ang kanyang pamumuhay. Meron din itong mga promotion and support na ginagawa para sa career ng isang worker, support kapag nagka-baby, kapag nag-alaga ng kanilang matatandang parents at marami pang iba. Tinatawag din itong madalas na SHITSUGYOU HOKEN (UNEMPLOYMENT COMPENSATION) dito sa Japan.


Ang layunin naman ng ROUSAI HOKEN (WORKERS ACCIDENT COMPENSATION INSURANCE) ay para magbigay ng support sa mga workers na na-accident during time of work and during commuting to work. Nagbibigay ng temporary financial support sa mga workers at kasama na rin ang kanyang family hanggang sa maka-recover to properly work again.


As summary, ang SYAKAI HOKEN ay binubuo ng limang klaseng insurance na nabanggit na ang layunin ay magbigay ng full support upang makapamuhay ng mabuti at sapat ang isang mamamayan na naninirahan dito sa Japan. Ito ay isang public insurance system kung kayat mandatory na sumali at magbayad ng contribution ang lahat ng mamamayan dito sa Japan kahit na foreigner pa. Hindi rin pwedeng mamimili lamang kayo kung ano ang gusto ninyong kunin dahil ito ay sakop ang lahat. This is an essential and important system.


- IRYOU HOKEN (MEDICAL INSURANCE)
- NENKIN HOKEN (NATIONAL PENSION)
- KAIGO HOKEN (NURSING INSURANCE)
- KOYOU HOKEN (EMPLOYMENT INSURANCE)
- ROUSAI HOKEN (WORKERS ACCIDENT COMPENSATION INSURANCE)


Sinasabi din na ang SYAKAI HOKEN (SOCIAL INSURANCE) system ng Japan ay isa sa pinakamataas ang standard compare sa social insurance system ng ibang bansa dahil sa kalawakan ng nasasakop nito at dami ng benefits na binibigay. Mababa rin ang amount of contribution dito compare sa ibang bansa kung kayat nasa top rank ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.