Malaking patubo, madalas na problem ng mga nangungutang na mga Pinoy sa Japan Jan. 14, 2017 (Sat), 1,259 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is another issue na madalas naming matanggap here in MALAGO mula sa mga merong utang na hindi matapos tapos ang kanilang binabayaran dahil sa malaking tubo na pinapataw ng mga nagpa-utang sa kanila. Ito ang madalas na sapitin ng ilan nating kababayan here lalo na don sa mga nangungutang during emergency times.
Karamihan sa mga ito ay operated by underground groups, kaya kung hindi kayo mag-iingat at hindi ninyo iniintindi ang contract na pinipirmahan ninyo, baka habambuhay kayong hindi makabayad sa inutang nyong pera. This is a common problem din ng mga Japanese here na tinatawag nilang YAMIKIN. Kadalasan ang patubo nila ay more than 100% kung kayat marami rin ang nahuhuli sa kanila pag lumaban yong nangutang at kumuha ng legal support mula sa mga lawyer.
May mga kababayan din tayong ginagawang business na rin ito here. Commonly na tinatawag nating FIVE-SIX pero mas malaki ang patubo nila kaya yong mga nangutang ding mga Pinoy, hindi matapos tapos ang bayarin dahil yong tubo lang ang nababayaran nila madalas at hindi ang principal amount.
Merong law here in Japan about sa pagpapautang at kung magkano lang ang limit ng interest na kadalasan na sinusunod ng mga banko at loan company. Ang interest na ito ay hindi dapat lalagpas sa 20% sa isang taon. Kapag ang uutangin mo ay below 10 lapad, ang yearly interest nito ay 20%, kapag 10 to 100 lapad naman ay 18% at pag more than 100 lapad, it will be 15% lamang. Kung kayo ay mangungutang, maging basehan nyo sana ito para malaman ninyo kung sobra ba ang patubo ng inutangan ninyo. Kapag lumagpas sila here, masasabing illegal na ang ginagawa nila at ito ay punishable by law.
Kapag nagpautang kayo or nangutang, make sure na meron kayong kasulatan at pirmado ng both party kasama na ang magiging guarantor ninyo. Very important ito dahil madalas na magkaroon ng problem. Kaya kung walang kasulatan at nadaan lang sa usapan, magiging mahirap na ayusin ang trouble in the future. Sa mga magiging guarantor naman dito, be aware na kayo ang hahabulin ng nagpa-utang just in case na hindi nagbayad ang taong nangutang. Kaya be sure about it para hindi rin kayo madamay just in case na nagkaroon ng trouble.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|