malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mga main reason ng mga Seikatsu Hogo applicants?

Jan. 28, 2015 (Wed), 1,285 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng mga nasulat dito, ang Seikatsu Hogo ay kadalasang kinakailangan ng mga taong nagtatrabaho subalit kulang pa rin ang kanilang kinikita upang makapamuhay dito sa Japan ng naayon at minimum condition. Subalit ito lang ba talaga ang dahilan, dahil taon taon unti-unting lumalaki ang bilang nga mga applicants nito.


Ayon sa data ng Ministry of Labor, ang mga family na kadalasang nag-aapply ng benefit na ito ay ang family na meron matatandang kasama sa bahay or mga matatandang nag-iisa na lamang sa buhay, mga single mother family, single father family, mga family na meron kapansanan or imbalido, at mga family na meron member na handicapped or disable, at iba pa.

Ayon pa sa data nila, ang kadalasang reason ng mga applicant kung bakit sila kumukuha ng benefit na ito ay ang mga sumusunod:

- Bumaba ang kita ng main provider ng family dahil ito ay nagkasakit or naaksidente
- Bumaba ang kita dahil sa pagtanda ng applicant
- Bumaba ang kita mula ng nag retiro sa trabaho
- Bumaba ang kita dahil natanggal sa trabaho
- Bumaba ang kita dahil sa pagbaba ng kita ng business
- Nabawasan ang pinapadala ng taong sumusuporta sa applicant
- Pagkaubos ng naiipon pera sa banko

Sa mga nabanggit na reason above, ang pinakamarami dito ay ang pagkatanggal at pagretiro sa trabaho base sa data ng Ministry of Labor ng Japan. Ang mga single parent family at disable family ay nakakatanggap pa ng ibang benefit kung kayat mas mababa ang bilang nila compare sa bilang ng ibang applicants.

Sumusunod sa dami ng bilang ay ang mga matatandang applicant now at inaaasahang dadami pa ito sa mga darating na taon na epekto ng aging population din ng Japan. Dahil sa katandaan at kahinaan na ng katawan, marami sa kanila ang hindi na makapag trabaho kung kayat umaasa na lamang sila sa benefit na matatanggap nila monthly upang makapamuhay sila sa araw araw.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.