How to apply for CHILD CARE LEAVE (CCL) after maipanganak ang baby? May. 23, 2018 (Wed), 1,721 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
After na maipanganak ninyo ang inyong baby, at matapos ang inyong MATERNITY LEAVE, ang isa pang leave na pwede nyong apply sa inyong work ay ang tinatawag na CHILD CARE LEAVE or 育児休業 (IKUJI KYUUGYOU) in Japanese.
Remember na hindi ninyo makukuha ang mga benefit na pwede nyong makuha kung hindi kayo mag-aapply nito personally. So better to remember na meron MATERNITY LEAVE at CCL kayong pwedeng apply in time na ipanganak ang inyong baby.
As what we already explained here, sa CCL, ang tatay at nanay na working pareho ay pwedeng mag-apply nito. Hindi ito tulad ng MATERNITY LEAVE na ang nanay lang ang pwedeng mag-avail.
Sa CCL, iba-iba ang policy ng mga company here kung kayat need ninyong check ang policy ng inyong company about its application at pati pagtanggap ng benefit nito.
Ang benefit ng CCL ay makukuha sa KOYOU HOKEN na inyong binabayaran at automatic na binabawas nila sa inyong salary. Mag-apply kayo ng CCL sa inyong company, at ang company ang magpa-file nito dapat sa HELLO WORK office. Subalit hindi ito nasusunod all the time, at depende sa inyong company or employer.
Remember also na meron validity sa pag-apply ng CCL. Ayon sa mga info sa net, sinasabing 4 months after ng pag-umpisa ng inyong CCL at hindi pa kayo nag file ng benefit nito, automatic na mawawala na ang inyong rights.
Now, ang amount na matatanggap nyo naman sa CCL which is makukuha ninyo sa pag file ng 育児休業給付金 (IKUJI KYUUGYOU KYUUFUKIN), ay almost the same sa huling salary na natanggap nyo bago kayo mag-yasumi sa inyong work. Meaning, matatanggap ninyo ang salary amount nyo ng almost the same kahit kayo ay naka leave sa work during your CCL.
Ang pagtanggap naman ng benefit na ito ay depende sa inyong request din daw pero mostly, ang amount ay natatanggap nila every two months. Meaning ang salary for two months ay natatanggap ng isahan lamang.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|