malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Halaga ng perang maipapasok at mailalabas ng isang traveller sa Pinas

Apr. 06, 2017 (Thu), 3,585 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga bumabayahe palabas at papasok ng Pinas na meron dalang cash maging in Peso man or sa ibang foreign currency, be sure na alam ninyo kung magkano ang limit na dapat ninyong dalhin at ilabas, at baka makuha ng custom ang dala ninyong pera na hindi ninyo na declare. Be aware na meron rights ang custom sa airport na ma-confiscate ang dala ninyong pera na sobra sa limit na hindi nyo na-declare sa kanila.


Basically, walang limit kung magkano ang dapat na dalhin o ilabas mong pera, provided na mai-declare mo sa custom ang perang dala mo na sobra sa limit na kanilang itinakda.

So magkano ba ang limit na ito? Bilang panlaban sa mga taong gumagawa ng illegal na money-laundering, itinatakda ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung magkano ang limit ng perang dapat ninyong dalhin. Ang BSP ang nagri-regulate nito. Sa ngayon, ang limit ay nasa 50,000 PHP. Beyond this, o kung ang dala nyong pera na nasa PESO ay mas malaki pa dito, you need to declare it sa custom. Meaning, kapag mas mababa sa limit, di nyo na kailangan pang declare sa custom at safe kayong maipapasok o mailabas ang pera ninyong nasa PESO.

Dati mas mababa pa sa 50K PHP ang limit, subalit binago ng BSP ito at inumpisahang ipanukala noong September 15, 2016, per Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 922, series of 2016, dated 23 August 2016, titled "The Amendments of the Rules on Cross-Border Transfer of Local Currency".

Now, sa mga foreign currency naman tulad ng dollar or yen, meron ding naitakdang limit para dito ang BSP. Sa ngayon, ang limit para dito ay nasa 10,000 USD. Kung YEN ang dala ninyo, convert ninyo ang 10K USD sa YEN gamit ang exchange rate on the day of your travel para malaman ninyo ang equivalent amount nito sa YEN.

Be aware na hindi lamang cash ang included dito. Kasama dito ang mga travellers checks, other checks, drafts, notes, money orders, bonds, deposit certificates, securities, commercial papers, trust certificates, custodial receipts, deposit substitute instruments, trading orders, transaction tickets and confirmation of sale/investment.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.