malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


KOYOU HOKEN Benefit 4: Training and Study Benefit (GINOU SYUTOKU TEATE)

Aug. 29, 2017 (Tue), 981 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Another benefit na pwede ninyong makuha sa KOYOU HOKEN ay ang tinatawag na 技能習得手当 (GINOU SYUTOKU TEATE) or Training and Study Benefit. Layunin din ng KOYOU HOKEN ang magkaroon ng kaagarang trabaho ang isang nawalan ng work upang patuloy itong makapamuhay ng maayos kung kayat meron ding ganitong klaseng benefit.


Kung ang isang applicant ay walang makitang trabaho dahil sa kanyang present skill and knowledge, maaaring mag-training at mag-aral muna ang isang beneficiary upang sya ay maging competent, at ang gagastusin dito ay maaaring sagutin ng KOYOU HOKEN. Ito ay maaaring gawin lalo na kung ang isang employer o company na papasukan ay requirements nilang meron dapat skill ang isang worker applicant. Kapag naaprobahan ng HELLOWORK ang inyong application, maaaring sila ang magbayad ng gagastusin ninyo sa training or tuition fee sa school.

Kung ang training facility na dapat ninyong puntahan ay malayo at kinakailangan ang inyong pag-stay dito, maaari din kayong mag-apply ng 寄宿手当 (KISYUKU TEATE) or Board and Lodging Benefit. Part nito ay maaaring sagutin ng KOYOU HOKEN din until na matapos ninyo ang training.

So kung kayo ay nahihirapang makakita ng panibagong work dahil sa kakulangan ninyo ng skill and knowledge, maaaring mag-apply kayo ng benefit na ito sa HELLOWORK OFFICE upang makapag-aral at makakuha ng panibagong skill.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.