Steps you need to do to work legally in Japan with Working Visa Jan. 08, 2019 (Tue), 3,455 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga nagtatanong kung anong dapat gawin to have a working visa to work legally here in Japan, ito ang mga major steps na dapat ninyong gawin o mga dapat ninyong daanan hanggang sa makapasok kayo dito sa Japan, and start working sa employer or company na nag-hire sa inyo.
Ang mga steps na ito ay kayo ang dapat gumawa personally at ang employer ninyo mismo. Wala kayong dapat daaanan na mga agency dahil para sa mga DIRECT HIRE ito.
1. FIND AN EMPLOYER
First and foremost, maghanap kayo ng company or employer dito sa Japan willing to employ you bilang isang REGULAR EMPLOYEE. Hindi bilang isang trainee, isang part timer or contractual. Your employment status must be REGULAR EMPLOYEE which means same ang magiging status ninyo sa mga Japanese na nagtatrabaho sa company na papasukan ninyo.
2. SIGN YOUR WORKING AGREEMENT
In case na meron kayong nakitang company or employer and willing them to hire you, at pinalad kayong pumasa after their interview and examination, screening, etc, then its time to have a working agreement. Ang tawag sa document na ito ay 労働条件通知書 (ROUDOU JOUKEN TSUUCHISYO). Dito naka sulat ang detalye ng magiging work status mo sa company. You need to sign this and your employer.
3. VALIDATE YOUR WORKING AGREEMENT
Kung wala kayo here in Japan, then this one ay dapat gawin ng employer ninyo mismo. Need na ipa-validate ang pinirmahan ninyong working agreement sa POLO office sa Philippine Embassy dito sa Japan. Need ito gawin upang ma-check nila kung hindi kayo agrabyado sa naging contract ng work na inyong papasukan. Magiging mabusisi ang representative natin here at screen nila itong mabuti. Maaaring ipapa-modify nila ang working agreement kung kinakailangan.
4. APPLY FOR COE(CERTIFICATE OF ELIGIBILITY)
Kung lumusot na ang inyong WORKING AGREEMENT, now is the time to apply for documents necessary for WORKING VISA application. Ito ay gagawin din dapat ng inyong employer. They will apply this sa immigration office dito sa Japan. Kakailanganin nila ang mga documents na mula sa inyo tulad ng DIPLOMA, TOR at ilang license certificate na meron kayo. Ang WORKING AGREEMENT ninyo ay magiging mahalagang document din dito dahil ipapasa din ito sa immigration. Ang inyong mga documents naman ay dapat na meron Japanese translation lahat.
5. APPLY FOR WORKING VISA
Kung naaprobahan ng immigration ang COE application ng inyong employer, dapat nilang ipadala sa inyo ito sa Pinas. Ito ang magiging main key ninyo sa pag apply ng WORKING VISA sa Japanese Embassy sa Pinas. Gamit ito at kasama pa ang ibang documents, you need to apply your WORKING VISA sa mga accredited agency nila sa Pinas.
6. APPLY FOR OEC(OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE)
Hindi porket meron na kayong WORKING VISA ay madali na kayong makaka-alis sa Pinas na parang meron na kayong free pass. Kahit na meron na kayong WORKING VISA, di kayo makaka-alis sa Pinas ng walang OEC. Kayo ay magiging isang OFW na now, so need ninyong kumuha ng OEC sa POEA. Maaari ninyong gawin ito habang hinihintay ninyo ang result ng working visa application. Pumunta kayo sa POEA para sa OEC application. Para makakuha kayo, need na umattend kayo ng orientation nila at dapat ay makapasa kayo sa MEDICAL CHECK na isasagawa rin ng mga accredited clinic nila.
7. TRAVELLING TO JAPAN
If na secure nyo na ang WORKING VISA ninyo at OEC, then I guess, there is nothing to worry. You are ready to leave now and go to Japan. Walang magiging problem sa airport immigration sa Pinas at maging sa pagdating ninyo dito sa Japan bilang isang OFW na merong WORKING VISA at legal na mag-work sa Japan.
So these are the steps that you must do. Maaaring meron pagbabago sa mga ilang steps sa ngayon, at sa mga nakaka alam, please share it. As you can see, wala kayong dapat na bayaran o daaanan na mga agency to work here if you will just find a company or employer willing to hire you.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|