From refugee to spouse visa, hindi madaling proseso Jul. 15, 2018 (Sun), 2,340 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng mga naunang balita na namin here, dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga refugee applicants na kung saan ang iba ay fake application, sinimulan ng Japan Ministry of Justice ang pagbabago ng policy for refugee application ngayong taon.
Dahil dito, marami sa ngayon sa mga refugee applicants ang hindi na makapag-apply ng extension ng kanilang designated visa habang on-going pa ang investigation ng kanilang application, and mostly sila ay nakakatanggap ng notice sa immigration office giving them a recommendation na umuwi na bago pa mag-expire ang kanilang hawak na visa.
Dahil sa ganitong paghihigpit ng immigration, maraming mga refugee applicants now ang naghahanap ng ibat ibang paraan upang makakuha ng legal na visa at manatiling makapag-stay here in Japan.
Tulad ng mga natatanggap naming inquiry dito sa Malago, ang ilang refugee applicant ay gustong mag-apply ng working visa dahil sa willing ang kanilang employer na maging guarantor subalit ang pag-apply ng working visa ay hindi rin madali lalo na kung ang isang applicant ay hindi college graduate, or walang relation ang kanyang work sa ngayon sa kanyang natapos na course sa college.
Isa pa sa mga common na ginagawa ng ilang refugee applicant ay pagpapapakasal sa mga Japanese or mga meron long term visa now here in Japan. Marami ngayong naglalabasang mga artilce tungkol sa issue na ito, at maging dito sa Malago ay marami kaming natatanggap na inquiry kung possible silang makakuha ng Spouse Visa.
Ayon sa ilang naglalabasang article written in Japanese, marami sa ngayon ang hindi binibigyan ng immigration ng Spouse Visa kahit na sila ay ikinasal na here in Japan sa ibat-ibang kadahilanan. Meron mga hinuhuli at kinukulong sa mga detention center at hindi nabibigyan ng kari-homen (temporary release) kahit na sila ay legal na kasal pa.
Ayon din sa mga article, ang nakikitang dahilan dito ng immigration ay ginagawang way or step lamang ito ng isang refugee applicant upang magkaroon sila ng legal and valid visa to stay here in Japan. Ang pagpapakasal at the time na wala na silang valid visa or matatapos na ito ay masasabing walang nabuong relation at mahirap na mapatunayan ito kung kayat hindi nagiging madaling maaprobahan ang kanilang application para sa SPOUSE VISA ayon din sa mga nakasulat na news and article.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|