malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Pinas, number one sa dami ng Refugee Applicants last year 2017

Jan. 14, 2018 (Sun), 1,397 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa data na nilabas ng Japan Ministry of Justice tungkol sa pagbabago nila ng policy ng refugee application starting January 15, lumabas na ang Pinas ang pinakamaraming refugee applicants last year 2017, at ito ay umabot sa 3,177 katao until September 2017 lamang.


Ang nasa top five from the bottom ay Nepal, Indonesia, Sri Lanka, Vietnam at Philippines ang number one. Ang bilang ng mga applicants from Philippines ay halos four times ang dami compare to year 2016.

Dinagdag pa ng nasabing Ministry na wala kahit isang refugee applicant ang naaprobahan mula sa mga bansang nabanggit. Ang mga applicants naman na mula sa mga bansang nangangailangan talaga ng refuge base sa report ng UNHCR na Syria, Colombia, Afghanistan, Iraq at South Sudan ay umabot lamang sa 29 kataong applicants.

Dito makikita na ang mga applicants ay mostly mula sa mga bansang wala namang kaguluhan base on UNHCR report at ang mga reason ay wala sa kasulatan ng "The Convention Relating to the Status of Refugees, also known as the 1951 Refugee Convention"

Ang karamihan na mga applicants ay mga short term visa holder or tourist visa, mga trainee na tumakas at mga student visa holder na tinanggal ng mga school.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.