How to do Birth Registration here in Japan (Japanese Baby)? May. 06, 2018 (Sun), 1,846 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Matapos ang inyong ligtas na panganganak dito sa Japan, ang una nyong dapat gawin ay ang birth registration ng inyong anak. Kung kayo ay manganganak, pagpasok nyo sa hospital, pwede rin ninyo confirm sa doctor kung ang birth registration ay gagawin ng hospital or kayo mismo ang gagawa nito para makapag-handa kayo. Meron mga hospital na isusulat nyo lang ang name at address information at sila na ang gagawa ng mga dapat pang gawin.
Kung kayo ang gagawa ng birth registration ng inyong babay, ito ang mga bagay at information na dapat ninyong malaman.
IMPORTANT REMINDERS:
1. Ang birth registration ng bata ay dapat gawin within 14 days after ng inyong panganganak.
2. Ang birth registration ay dapat ninyong apply sa local municipality kung saan pinanganak ang bata or sa local municipality kung saan naka register ang nanay o tatay nito.
3. Ang dapat na mag-apply or submit nito ay ang parents (father and mother). Pero pwede rin ang proxy ninyo. Ang mahalaga lang ay ang signature ay dapat gawin ng tatay at nanay ng bata.
REQUIREMENTS NEEDED:
1. 出生届 (SYUSSEI TODOKE), makukuha sa local municipality
2. 出生証明書 (SYUSSEI SYOUMEISYO), sa right side ng document nakasulat ang information ng taong nagpa-anak sa bata at ang medical facility or hospital.
3. 印鑑 (INKAN), seal or signature ng applicant
4. 母子手帳 (BOSHI TECHOU), maternity booklet or passbook
Sa mga parents na legal na kasal talaga at the time na pinanganak ang baby, magiging madali ang birth registration ng inyong anak. Sa mga hindi naman at meron sabit, ang TAIJI NINCHI na inapply ninyo beforehand at ang hawak ninyong BOSHI TECHOU ay makakatulong ng malaki sa registration ng inyong anak.
Sa mga walang ginawang preparation bago manganak, magiging mahirap sa inyo ang reigstration ng inyong anak dahil kailangang patunayan ninyo kung sino talaga ang ama ng bata. Maaaring hanapan kayo ng mga supporting documents ng city hall.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|