Hanggang kelan ka lang pwdeng makatanggap ng Seikatsu Hogo benefit? Jan. 22, 2015 (Thu), 1,613 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
After you successfully passed the screening at investigation ng mga CASE WORKER at nagsimula ka ng makatanggap ng benefit na ito, ang malaking tanong now is hanggang kelan ka makakatanggap? Meron bang katapusan ito, bigla na lamang bang mawawala or puputulin nila ang pagbibigay ng benefit? Ito ay ang mga katanungan na papasuk din sa isip mo.
As of now, dumarami na ang bilang ng mga tumatanggap ng benefit na ito subalit walang batas or rules kung hanggang kelan ka lang pwedeng tumanggap. Sa madaling salita, walang limitation sa period kung hanggang kelan ka lang pwedeng tumanggap. Hanggat hindi ka lumalabag sa mga rules, hindi nila puputulin or hindi mawawala ang benefit na natatanggap mo.
They said na from the time that you start receiving this benefit, hindi rin madali ang umalis or ipatanggal ito as long na wala kang valid reason or hindi aaprobahan ng iyong CASE WORKER ang reason mo.
The only time na pwedeng maputol or mawala ang benefit na ito sa iyo is at the time na mamatay ang applicant, lumipat ng ibang lugar or hindi na alam kung saan ang kinarorounan. Kung sakali mang lumipat kayo ng tirahan, maaari mong maipag-patuloy ang pagtanggap ng benefit sa pag-apply nito sa lilipatan mong lugar. Ang pagtanggap ng benefit ay hindi rin pwedeng ipamana or ipagpatuloy ng maiiwang anak or apo ng mga applikanteng namatay.
Kung sakaling nakagawa ka ng isang crime, dito lang magkakaroon ng malaking possibility na maputol ang pagtanggap mo ng benefit dahil ikaw ay nasa loob na ng kulungan at hindi mo na kailangang tumanggap dahil ikaw ay nasa pangangalaga na ng ibang sangay ng pamahalaan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|