malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Syakai Hoken (Social Insurance)

Apr. 07, 2019 (Sun), 2,625 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Another one item na dapat nyong check sa inyong Working Agreement (WA) ay kung ang employer or company ninyo ay meron 社会保険 (SYAKAI HOKEN) Social Insurance na ipo-provide sa inyo or wala. This is must item na dapat nyong confirm bago nyo pirmahan ang WA na ibibigay sa inyo bilang inyong kasulatan.


Tandaan na dito sa Japan, meron mga company na hindi rin nagbibigay nito lalong lalo na yong mga small scale na company at iilan lamang ang employee nila. Kapag ganitong case na hindi sila magpo-provide sa inyo, its your duty na kumuha ng sarili ninyong syakai hoken at ito ay ang KOKUMIN NENKIN at KOKUMIN KENKOU HOKEN bilang replacement.

Mostly sa mga malalaking company at kung regular employee kayo, for sure meron silang syakai hoken na ibibigay. Pero iba-iba rin ang nilalaman nito. Ito ay nahahati sa dalawang parte, ang 社会保険 (SYAKAI HOKEN) na binubuo ng KOUSEI NENKIN (Workers Pension) at KENKOU HOKEN (Health Insurance). Then the other one ay ang tinatawag na 労働保険 (ROUDOU HOKEN) Workers Insurance, na binubuo mostly ng KOYOU HOKEN (Unemployment Insurance), KAIGO HOKEN (Nursing Insurance) at ROUSAI HOKEN (Workers Accident Compensation Insurance).

Kung ang trabaho ninyo ay medyo delikado lalong lalo na yong mga nasa factory at operation line, mga construction site at iba pa, make sure na ma-confirm ninyo kung merong ROUSAI HOKEN na ibibigay ang inyong employer upang sa oras na merong accident during your work ay meron kayong matatakbuhan. Kung wala kayo nito at meron accident na mangyari sa inyo during your work, talong talo kayo dahil maaaring wala ring magiging pananagutan ang employer ninyo sa inyo.

Another thing na dapat nyong tandaan kung sakaling meron Syakai Hoken ang inyong employer na ibibigay, ang inyong mga dependents ay pwede nyo ring maisama dito upang sila rin ay magkaroon ng health insurance at pension para sa inyong asawa.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.