malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Resignation and Retirement

May. 03, 2019 (Fri), 2,072 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Back to Working Agreement (WA) discussion here in MALAGO, this time, pag-usapan naman natin ang tungkol sa Resignation at Retirement information na napapaloob din dapat sa inyong WA na inyong pipirmahan bago kayo mag-start ng work sa inyong employer.


Sa mga regular employee, mostly sa Retirement item ng inyong WA, nakasaad dito kung hanggang anong age kayo pwedeng makapag-work sa kanila bilang isang normal employee na tumatanggap ng lahat ng benefits and salary bilang isang worker. Mostly ito ay 60 years subalit sa ngayon, marami na ring company ang naglalagay ng 65 years old kung nais nilang employ ang isang tao dahil sa kakulangan nila ng manpower.

Sa item din na ito, nakasaad din dapat kung meron kayong matatanggap ng retirement or resignation benefit. Kung wala, nakasaad din dapat ito ng clear, at kung meron, nakasaad din dapat kung ano ito at kung ano ang magiging basehan sa computation. Ang computation nito ay kadalasang nakasaad sa inyong employee guidebook ng inyong company.

Kung sakaling kayo ay mag-resign dahil sa pansarili nyong dahilan, ang kadalasang inilalagay nila dito ay dapat ninyong ipaalam sa kanila 1 MONTH before upang maging handa sila sa maaaring ipalit sa inyo at maging sa pag-turn over ng inyong task sa ibang workers.

NEVER EVER quit your job ng walang paalam o wala kayong pinapasang TAISYOKU TODOKE (Resignation Letter) sa inyong employee. As a formality, need ninyong magpasa nito kung saan nakasulat ang inyong reason at kung kelan ang effectivity na gusto ninyo.

If ever na nag quit kayo ng job ng walang pasabi at basta hindi na lang pumasok sa inyong work na tulad na ginagawa ng ilan nating kababayan here in Japan lalo na yong mga part time worker or arubaito lamang, malaki ang possibility na wala rin kayong makukuhang anoman sa inyong employer kahit na ang natitira ninyong sweldo dahil maaaring gawin nila ito bilang kabayaran sa ginawa ninyong perwisyo sa kanila. Maging ang mga documents na dapat nyong makuha sa kanila ay hindi rin nila ibibigay sa inyo. So be sure, na idaan lagi sa maayos na paraan ang inyong resignation kahit na meron pa kayong galit sa inyong employer.

Sa pag-resign ninyo sa inyong work, meron mga document na dapat din kayong ibalik sa kanila tulad ng ID, KENKOU HOKEN CARD at iba pa. Ang kenkou hoken card ay kinukuha nila ito bilang patunay na hindi na kayo employee nila at you are not eligible now na gamitin ang health insurance na binibigay ng company.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.