Penalty sa paggamit at pagpapagamit ng Residence Card ng ibang tao Feb. 04, 2017 (Sat), 997 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga meron Residence Card (RC) na hawak, make sure na ang RC na ito ay gagamitin nyo lamang para sa inyo lamang at hindi ninyo ipapagamit sa ibang tao dahil kapag ginawa ninyo ito, maaaring mapatawan kayo ng parusa ayon sa batas nila.
Meron mga katanungan na rin kaming natanggap dito sa MALAGO kung pwedeng ipagamit ang kanilang RC para sa legal processing ng mga kasama or kaibigan nila na walang RC na hawak lalo na sa mga insurance application, pagkuha ng mga cellphone at kung ano-ano pa. Ito ay hindi pwede at meron kaparusahan dito.
Ayon sa law ng Japanese Immigration, ang sinomang nagpagamit ng kanilang RC, at ang taong gumagamit ng RC na hindi sa kanila ay parehong paparusahan base sa naitakdang batas tungkol dito. Ang batas na nakalahad dito ay ang sumusunod:
(第73条の6) 在留カードを不正使用した者は、1年以下の懲役又は20万円以下の罰金に処せられます。
Ang sinomang lumabag sa batas na ito ay meron kaparusahang PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS SA ISANG (1) TAON, AT MULTANG PERA NA HINDI LALAGPAS NG 20 LAPAD.
So, tandaan po natin na ang RC na ibinibigay sa atin ay for personal use lamang at hindi ito pwedeng ipagamit sa ibang tao dahil kapag nilabag ninyo ang batas na ito ay pwedeng maparusahan kayo base sa itinakdang batas tungkol dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|