malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Pinoy refugee applicants for year 2017, umabot sa 4,895 katao

Feb. 13, 2018 (Tue), 1,037 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito from Kyodo News, inilabas ng Japan Ministry of Justice today February 13 ang kanilang data tungkol sa mga refugee applicants na kanilang naitala for year 2017. Umabot ito ng 19,628 katao which is highest in their record now. Tumaas ito ng 8,727 katao compare last year 2016.


Mula sa 82 countries ang mga applicant nito subalit nangunguna at nasa TOP 1 sa dami ang mga Pinoy na umabot sa 4,895 katao. Sinundan ito ng Vietnam na meron 3,116, then Sri Lanka na umabot sa 2,226 at Indonesia na meron 2,038 katao. Ang bilang ng mga Pinoy applicants ay tumaas ng higit pa sa doble ng bilang nito last year 2016 na umabot lamang sa 1,412 katao ayon sa news.

Ang bilang naman ng mga naaprobahan na refugee ay umabot sa 20 katao lamang, at ito ay bumababa ng 8 katao compare last year 2016 na meron 28 persons. Ang naaaprobahan ay 5 katao from Egypt, 5 katao from Syria, at dalawa sa Afghanistan. Meron ding 45 katao na mula sa Syria ang hindi naaprobahan bilang mga refugee subalit nabigyan naman ng residency to stay here in Japan ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.