malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Application of Financial Assistance for Elementary & Junior High School

Apr. 11, 2019 (Thu), 4,145 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga parents here in Japan na meron mga batang nag-aaral sa Elementary & Junior High School, I think most of your kids ay nag-start na ng school this week, and natapos na rin ang mga opening ceremony nila. Sa mga parents na meron anak na ipinasok sa Elementary at Junior High School as freshman, NYUUGAKU OMEDETOU GOZAIMASU.


Ang pag-aaral dito sa Japan ay free ang tuition fee para sa mga Elementary at Junior High School, subalit be aware na marami pa ring binabayarang mga expenses mula sa kanilang pagkain sa school, uniforms at iba pang miscellaneus fee.

Para lang sa inyong kaaalaman, kung di gaanong kalakihan ang inyong annual salary, alam nyo ba na pwede kayong mag-apply ng FINANCIAL ASSISTANCE sa inyong local municipality upang mapunan nila ang mga gastusin ng mga anak ninyo sa school tulad ng pagkain, mga school supplies at iba pa. Ito ay tinatawag nilang 就学援助制度 (SYUUGAKU ENJO SEIDO) or FINANCIAL ASSISTANCE SYSTEM.

Kung meron kayong mga anak na nag-aaral sa ngayon sa Elementary or Junior High School, for sure meron ibinigay na mga papers ang school sa inyong anak at kasama ang document at APPLICATION FORM para dito. All you have to do ay sulatan po ito at ipasa sa school.

Ang coverage ng assistance na ito ay ang pagkain nila school na tinatawag na KYUUSYOKU, mga school supplies, expenses on opening ceremony, expenses during graduation, school trip at maging mga medical expenses. Ang mga ito ay depende rin sa inyong local municipality. After nilang ma-evaluate ang inyong application, sasabihin nila sa inyo kung magkano ang magiging monthly financial assistance nyo para sa schooling ng inyong anak.

Kung ang inyong annual salary ay mababa ng 500 lapad, its advisable na mag-apply kayo nito dahil malaking tulong ito sa inyong budget. Hindi ninyo ito maa-avail kung hindi kayo magpapasa ng application, so be sure na maipasa nyo agad ito. Meron silang limit sa pagpasa ng application and mostly two weeks after ng start ng class lang. So be sure na maipasa nyo ito agad.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.