Requirements of FAMILY STAY VISA application with COE Jan. 25, 2019 (Fri), 4,235 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga WORKING VISA (WV) holder, kung nakunan nyo na ng COE ang inyong asawa at anak upang mapapunta nyo sila dito sa Japan, ang next ninyong dapat gawin ay ipadala lamang sa kanila sa Pinas ang COE upang makapag-apply sila ng visa sa mga accredited agency sa Pinas.
Sa pag-apply nila ng visa, halos wala ng kakailanganing document kayong ipapadala sa kanila dahil meron na kayong COE. Ang mga documents na dapat lang nilang ipasa ay ang mga sumusunod:
1. Visa Application Form
Available sa mga accredited agency office or you can download sa official website nila. One form for every one applicant.
2. Philippine Passport
Passport ng applicant mismo.
3. Photo (Size 4.5cmx4.5cm)
It must be taken within 6 months.
4. Original C.O.E.
Ang original na COE na inyong ipapadala sa inyong asawa o anak.
5. Birth Certificate
Birth certificate ninyo bilang anak at parents na syang magpapatunay na inyong relationship.
6. Marriage Certificate
Kung asawa ninyo ang kukunin ninyo, need ito na syang magpapatunay na kayo ay mag-asawa.
Since meron na silang COE, magiging madali ang paglabas ng visa nila at hindi na siguro aabutin ng maximum period ng processing nila na 3 months. Pwede rin ninyong pagsabayin ang application ng visa ng inyong anak at asawa at the same time upang sabay din silang makaalis papunta ng Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|