malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang basehan sa computation ng matatanggap sa Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 20, 2015 (Tue), 1,278 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



At the time na naaprobahan na ang inyong application ng benefit na ito, the question that will come to your mind is kung magkano ang makukuha nyong halaga bilang support ng government. How they will compute it will be our topic sa part na ito.


Sa computation ng makukuha ninyong amount ang basic criteria na pinagbabasehan nila to compute is the MINIMUM AMOUNT to make a living here in Japan. This MINIMUM AMOUNT is the standard amount approved by the Secretary of Ministry of Labor of Japan. They will compare this amount sa earnings or income na nakukuha now ng applicant.

Malaki man or maliit ang kinikita ng isang applicant now, the amount will be totally different at hindi magiging pareho ang matatanggap ng bawat applicant. Napapaloob din sa kinikitang amount na tinitingnan nila ay ang actual income, pension at iba pang mga benefit na nakukuha ninyo now, kasama na ang mga perang pinapadala sa inyo ng mga taong tumutulong sa inyo kung meron man.

Kung ang inyong kinikita now ay hindi umaabot sa MINIMUM AMOUNT to make a living as define by the Ministry of Labor, ibabawas nila ito sa MINIMUM AMOUNT at ito ang ibibigay sa inyong halaga bilang support.

YOUR AMOUNT RECEIVED = STANDARD MINIMUM AMOUNT (Ministry of Labor) - YOUR PRESENT INCOME

Ang amount na inyo ring matatanggap ay depende sa lugar kung saan kayo nakatira now. Dito sa Japan, bawat prefecture ay magkaka-iba ang standard of living. Ito rin ay isa sa mga pinagbabasehan sa computation ng benefit na matatanggap ninyo. Sa madaling salita, mas malaki ang matatanggap ng mga nakatira sa Tokyo compare sa mga nakatira sa mga province na prefecture dahil mahal at malaki ang gastos kung ikaw ay nakatira in Tokyo.

Isa pa sa magiging basehan ng computation ay ang family structure ninyo at sa mapapaloob na assistance benefit sa inyong application. Kung kayo ay meron anak, marami man or iisa lang, magiging iba ang computation ng inyong benefit compare don sa mga walang anak at nag-iisa lang sa buhay.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.