Penalty sa mga tumakbo, tumakas o hindi nagpakita sa immigration pag meron memorandum Feb. 11, 2017 (Sat), 1,258 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga nahuli ng immigration, mga nasa loob ng detention center, o mga nasa under deportation order ng immigration na tumangkang tumakas, meron kaukulang penalty na nakalaan ang Japanese government dito.
Sa mga under KARI-HOMEN at nag-iba ng address at hindi sumunod sa regulation na binigay ng immigration at hindi nagpakita sa kanila sa oras na tinawag sila, sakop din kayo ng penalty na ito.
Sa mga pansamantalang binigyan ng permit ng immigration na makapasok sa Japan bilang mga provisional asylum at tumakas o nagbago ng address ng hindi pinapa-alam, sakop din kayo ng penalty na ito.
Kung kayo ay meron nagawang violation tulad ng mga nabanggit sa taas, ang nakalaang penalty ng Immigration dito ay PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS NG ONE (1) YEAR, O PAG BAYAD NG MULTA NA HINDI LALAGPAS SA 20 LAPAD, O MAAARING IPATAW PAREHO ANG KULONG AT MULTA.
逃亡者等に対する罰則(入管法 第72条)1年以下の懲役若しくは20万円以下の罰金、又はこれを併科されます。
So, kung kayo ay nasa pangangalaga na ng immigration, mas makakainam na hwag tangkaing tumakas pa upang hindi na lalong bumigat pa ang kaso at penalty na ilalaan sa inyo. Kung meron special order or memorandum mula sa kanila na kinakailangan mong mag-report, better na sumunod sa itinakda nilang schedule. Kung sakaling hindi makakasipot, tiyakin na tumawag sa kanila upang masabi ninyo ang inyong dahilan ng sa ganun ay makaiwas sa anomang penalty.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|