malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Gift Money for childs birth from local municipality

May. 15, 2018 (Tue), 7,704 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Maliban sa mga benefit at assistance na natatanggap ng mga nanganganak here in Japan base sa mga naisabatas na program and guidelines, meron pang ibang matatanggap na regalo (money cash or product item) ang isang nanganak at ito ay base sa mga program ng mga local municipality.


Ito ay ang tinatawag nilang 出産祝い金制度 (SYUSSAN OIWAIKIN SEIDO) or Gift Money for Childs Birth na isinasagawa ng ilang local municipality. So kung kayo ay manganak, try to confirm or itanong nyo sa inyong local city hall kung meron silang program na ito na isinasagawa. Kung meron, pwede kayong mag-apply upang makuha ang pabuya na ito.

Kadalasan ang cash na binibigay ng mga local municipality dito ay ranging from 5 lapad to 100 lapad, depende sa local municipality na inyong tinitirahan. Marami ang nagsasagawa nito sa ngayon upang mahikayat ang mga mamamayan na naninirahan sa municipality na mag-anak ng marami dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang population. Ayon sa mga nagkalat na info sa internet, meron more than 20 local municipality ang nagsasagawa nito sa ngayon.

Ang ilang sa nagbibigay na municipality sa ngayon ay ang Fukushima Town sa Hokkaido. Sila ay nagbibigay ng 100 lapad na Gift Money para sa mga nagsilang ng baby sa lugar nila. Una ay 5 lapad sa first born baby, then 20 lapad sa second baby, at 100 lapad naman sa third baby. Ang Kawachi Town sa Ibaraki Prefecture ay nagbibigay din ng 50 lapad sa second baby, at 100 lapad din para sa third baby na isisilang sa lugar nila.

May mga lugar din na nagbibigay ng products sa mga family na nagsilang ng baby tulad ng supply ng bigas for 1 year at marami pang iba. So kung gusto nyong makasigurado be sure na magtanong sa inyong local municipality kung meron silang programang ito na tinatawag na 出産祝い金制度 (SYUSSAN OIWAIKIN SEIDO) para makuha ninyo ang reward sa inyong panganganak dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.