Merits ng TAIJI-NINCHI (Unborn Child Recognition) Apr. 18, 2018 (Wed), 2,227 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is the fourt topic in this series of guide in pregrnancy and giving birth here in Japan. Ito ay continuation lamang ng topic about TAIJI NINCHI.
Lets make it clear here, ang TAIJI-NINCHI ay ginagawa lamang or pwede lamang gawin ng mga parents ng bata kung sila ay hindi legal na kasal. Kung kayo ay buntis now at ang ama nito ay legal partner ninyo at kasal kayo, no need to do this NINCHI or TAIJI-NINCHI.
Now, kung kayo ay nabuntis dito sa Japan ng isang Japanese at hindi pa kayo kasal, better na isagawa ninyong ang TAIJI-NINCHI dahil sa maraming merit ito at advantage after ninyong maisilang ang inyong anak. Mostly isinasagawa ang application na ito in 8th weeks ng pagbubuntis ng isang nanay.
Sa mga meron asawa naman, at nabuntis ng ibang lalaki, by law, ang inyong dinadalang bata ay lalabas na anak ng inyong asawang lalaki at papasok sa kanyang koseki-tohon. Subalit maaaring hindi pumayag ang inyong asawa at dito kayo ngayon magkakaroon ng problema. Ang anak naman ninyong dinadala ay hindi rin pwedeng TAIJI-NINCHI ng tunay na ama nito dahil sa kasal kayo sa inyong legal partner. Magiging complicated ang case na ito kaya advisable na kumuha kayo ng lawyer para ayusin ang registration ng inyong magiging anak.
Now, back to the topic, ang pag-apply ng TAIJI-NINCHI para sa mga parents na parehong walang pananagutan ay maraming merits, at ito ang mga sumusunod:
(1) Maagang identification ng father & child relationship
Sa pag-apply ninyo ng TAIJI-NINCHI, magiging clear na agad kung sino talaga ang father ng batang dinadala ninyo. Meron mang mangyari sa ama nito, in case of accident at namatay, magiging madali sa inyo ang registration ng bata pati na rin ang pagkuha ng citizenship nito. Magkakaroon din ng rights ang bata sa mga ari-arian ng namatay na ama just in case.
(2) Paghabol sa obligation ng father ng bata
In case na magkahiwalay ang mag-partner bago pa man manganak ang nanay, magiging madali sa inyo ang paghabol sa obligation ng ama sa bata tulad ng financial support dahil meron na kayong hawak na proof.
(3) Paggamit ng apelyido ng ama
In case na magkahiwalay man or mamatay ang ama ng bata bago pa man isilang ang baby, maaaring gamitin ng bata ang apelyido ng ama at maaari nyong isulat sa Birth Certificate ng bata ang tunay na ama nya.
(4) Madaling pagpasa ng Birth Registration ng bata
Kung meron kayong TAIJI-NINCHI, magiging madali sa inyo ang pagpasa ng Birth Certificate ng bata at pati na rin ang registration nito dahil clear na kung sino ang tatay ng bata bago pa man sya ipinanganak.
(5) Madaling pagkuha ng Citizenship ng bata
Kung meron kayong TAIJI-NINCHI at clear na kung sino ang ama nito, ang inyong baby ay automatic na magiging Japanese citizenship na rin kung ang ama nito na nakasulat sa TAIJI NINCHI ay isang Japanese.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|