5 YEARS, pinakamahabang visa period na binibigay ng Japan Immigration May. 18, 2017 (Thu), 1,858 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga hindi pa nakaka-alam kung ano ang pinakamahabang period ng visa ang binibigay ng Japan Immigration sa ngayon this info is for you. Starting JULY 2012, ang 5 YEARS period of stay here in Japan ay isinumulang ibigay ng Immigration sa mga applicants nito. Ang bagong period na ito ay naidagdag at ang pinakamahabang period before na 3 YEARS ay nabago na.
Subalit ang 5 YEARS na visa period ay hindi nila ibinibigay sa lahat ng applicants, at ito ay pinagkakaloob lamang nila depende sa type ng visa na inyong ina-apply or sa gagawin ninyong activity here in Japan. Ayon sa homepage ng Immigration, ito ay maaaring ibigay lamang nila sa mga applicant na merong activity like PROFFESOR/INSTRUCTOR, RELIGIOUS ACTIVITY, JOURNALIST, HIGH-SKILLED WORKER, BUSINESS/INVESTMENT, LAW/FINANCE, MEDICAL, RESEARCH, INTRA-COMPANY, FAMILY STAY VISA, DESGINATED ACTIVITIES, JAPANESE SPOUSE VISA, PERMANENT SPOUSE/CHILD VISA, and LONG RESIDENCE VISA.
Kadalasan din ay hindi nila agad ito ibinibigay, at madalas nilang ibinibigay sa mga applicants na dating 1 YEAR or 3 YEARS VISA holder. Meron ding nagsasabi na ito ay ibinibigay nila upang maiwasang mabigyan agad ng PERMANENT VISA ang isang applicant.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|