TIPS in Getting a Cellhone unit and contract here in Japan Sep. 16, 2017 (Sat), 1,574 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Mukhang marami sa ating mga kababayan here ang kumukuha ng units ng cellphone at pumipirma sa mga contract na hindi alam kung ano yong mga option and services na kinukuha at pinipirmahan nila, kaya in the end, sinisingil sila ng malaki sa mga services na ang alam nila ay hindi nila ginamit.
Basically, hindi nila kayo sisingilin kung talagang hindi ninyo ginamit ang mga option or services na pinirmahan ninyo, dahil pwede nyo silang kasuhan at mag-file ng charge at kung mapapatunayan nyo yon, maaaring kayo pa ang bayaran nila. One more thing, di po kayo nila sisingilin kung wala silang prove or evidence na ginamit nyo ang services nila na nakalagay sa contract na inyong pinirmahan.
As a tip lang sa pagkuha ng mga bagong unit at contract para sa inyong cellphone here in Japan, be sure to understand first the contents ng contract na inyong pinipirmahan. As in ang lahat lahat ng contents at mga option na nakasama nito. Meron mga merit and advantage ang bawat major celpphone carrier here in Japan. Here it is for your reference po mula sa mga expert website para hindi kayo basta maniwala lang sa sabi-sabi ng iba at experience nila.
DOCOMO
Kung hindi pa kayo magaling sa Japanese at nakakabasa kung ano ang nakasulat sa contract, ang Docomo ang recommended para sa inyo dahil clear at simple ang mga contract and services nila. Ang DOCOMO ay nag-eexert ng effort na gawing simple lamang ang mga option and services nila now upang makakuha sila ng maraming customer dahil sa bumababa ang share or customer nila.
SOFTBANK
Kung nakaka-intindi kayo ng Japanese, naiintindihan nyo ng mabuti ang services and offer nilang mga option, SoftBank ang better for you dahil sila ang meron offer na pinakamurang charge para sa mga gustong kumuha ng bagong units and new contract, and also kung magpapalit kayo ng bagong model. Make sure na intindihin nyo ang mga option and services na kasama sa contract upang mapatanggal mo ito kung hindi mo naman need talaga.
KDDI AU
Kung plan nyo namang magpalit ng carrier using MNP (Mobile Number Portability) meaning gamit nyo pa rin now ang inyong phone number at lilipat lang kayo ng bagong carrier, KDDI AU ang recommended para sa inyo ayon sa mga expert dahil sila ang meron offer na pinakamura pagdating sa ganitong case.
Kung ang problem nyo naman is about sa signal, choose the carrier na talagang malakas ang signal sa lugar ninyo dahil walang carrier talaga sa tatlong nabanggit ang cover ang Japan nationwide. May mga area talaga na malakas ang signal nila, at may area naman na mahina po. So check ninyo kung ano ang carrier na malakas ang signal sa lugar ninyo here in Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|