Ano ang tinatawag na AVERAGE MINIMUM WAGE sa Japan? Jul. 26, 2017 (Wed), 1,578 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga hindi pa nakaka-intindi ng AVERAGE MINIMUM WAGE, known in Japanese as 平均最低賃金 (HEIKIN SAITEI CHINGIN) dito sa Japan, this is for you. If you are working here lalo na sa mga arubaito or part timer, please read this at intindihin ninyong mabuti para malaman ninyo kung ang inyong salary per hour na natatanggap ay nasa tama ba at pinapasahod kayo ng tama ayon sa batas ng inyong employer.
Dito sa Japan, meron mga MINIMUM WAGE ang bawat prefecture, mula Okinawa hanggang Hokkaido. Ito ay hindi pare-pareho base sa standard of living at economic status ng bawat prefecture. Ang MINIMUM WAGE na ito ay mostly binabago nila every year depende rin sa economic condition ng Japan. Kapag pinag-samasama ang mga MINIMUM WAGE na ito sa bawat prefecture, at ang TOTAL ay divide by 47 (Number of Japan Prefectures) ang magiging answer ay ang tinatawag na AVERAGE MINIMUM WAGE. Simple algebra lamang ito for the computation.
AVERAGE MINIMUM WAGE = TOTAL AMOUNT OF MINIMUM WAGE OF PREFECTURES ÷ 47
Ang AVERAGE MINIMUM WAGE na ito, ang syang magiging reference nyo now kung ang inyong natatanggap ba na salary per hour ay tama ba or mali. Kapag kayo ay pinasahod ng mas mababa dito saan man kayo mag work dito sa Japan, pwede ninyong kasuhan ang inyong employer at ireklamo sa kinauukulan. Ang amount din na ito ang syang nagiging basehan na makakapamuhay ng maayos ang isang manggagawa.
Now, ang AVERAGE MINIMUM WAGE na ito ay mahalagang value dahil ito ang nagiging basehan ng government at mga mambabatas kung magkano ang dapat itaas o ibaba sa sahod. Kung tataas ito, ang MINIMUM WAGE sa bawat prefecture ay tataas din at maaaring tumaas din ang sahod per hour ng mga part timer or arubaito. Kadalasan, ang bagong MINIMUM WAGE dito sa Japan ay nilalabas nila every OCTOBER of the year.
Kung kayo naman ay sumasahod or ang inyong per hour salary ay above sa MINIMUM WAGE na itinakda ng prefecture kung saan kayo nagta-trabaho, that is good for you at di nyo na kailangan pang mag-reklamo. Maaari lang po kayong mag-reklamo kapag ang inyong salary ay below the MINIMUM WAGE.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|