malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa Imitation Acknowledgment (GIZOU NINCHI) ng bata bilang anak ng Japanese

Feb. 27, 2017 (Mon), 1,774 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Dahil sa kahirapang makakuha ng visa dito sa Japan, iba-iba ang ginagawang illegal na pamamaraan ng mga taong gustong makapag-stay dito ng matagal. Maliban sa Imitation Marriage, ang isa pang madalas na gawi ng mga dayuhan here ay ang GIZOU NINCHI na tinatawag. Sad to say, pero merong mga kababayan din tayo na gumagawa nito.


Ano ba ang GIZOU NINCHI at ang napapaloob na penalty para dito? Ang GIZOU NINCHI na tinatawag ay ang pag-ako ng isang Japanese at ilagay sa kanyang pangalan ang isang bata na hindi naman nya totoong anak, at anak ng iba. Kadalasang ginagawa ng iba ito upang maging Japanese citizenship ang isang bata, at kapag naging Japanese na sya, maaaring sya ang magbigay ng visa sa kanyang nanay o tatay na dayuhan. Hindi lamang ito, maaaring gamitin din ang bata upang makapag-apply ng SEIKATSU-HOGO ang nanay o tatay na makakakuha ng LONG TERM VISA dahil sa batang naging Japanese citizen.

Marami rin ang gumagawang Japanese nito dahil sa kapalit na perang maibabayad sa kanila at maaaring sila rin ang makatanggap ng KODOMO TEATE na matatanggap ng bata. So nagiging business rin ito ng ibang tao. Subalit meron nakalaang kaparusahan din dito at patong-patong ang maaaring maging kaso ng mga taong involve kapag nahuli.

So, ano ba ang nakalaang kaparusahan sa mga taong nahuli sa gawaing ito? Kapag ang bata ay napatunayang hindi naman totoong anak ng Japanese at naipasok nya ito sa pangalan nya at nakakuha ng Japanese citizenship, meron tatlong kasong maaaring charge laban sa kanya.

Una, ang pagpasa ng NINCHI-TODOKE na walang katotohanan ay isang kaso na tinatawag nilang [False Entries in the Original of Notarized Deeds]. Ang penalty sa kasong ito ay HINDI LALAGPAS SA LIMANG (5) TAONG PAGKABILANGGO O PAGBAYAD NG MULTANG HINDI LALAGPAS SA 50 LAPAD.

Second, kapag ang bata ay nag-apply ng citizenship at ito ay naaprobahan at naisulat sa KOSEKI-TOHON, ito ay isang bagong karagdagang [False Entries in the Original of Notarized Deeds] na kaso din.

Third, sa dalawang nabanggit na kaso, madadagdag dito ang pinaka-main charge o kasong GIZOU NINCHI mismo. Sa kabuuan, tatlo ang kasong haharapin ng taong involve at tinatayang aabot ang penalty sa HINDI LALAGPAS NA SEVEN AND HALF YEARS NA PAGKAKULONG, O PAGBAYAD NG PERANG HINDI LALAGPAS SA 120 LAPAD BILANG MULTA.

Ang penalty na ito ay hindi lamang ibibigay sa isang Japanese na umakong totoong anak nya ang isang bata kundi na rin sa nanay o tatay ng bata na involve. Maaaring din na madagdag sa kanila ang ilang penalty o kaparusahan na itinakda sa immigration.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.