malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano ang computation ng inyong monthly contribution sa KOYOU HOKEN?

Aug. 14, 2017 (Mon), 1,179 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Unlike sa binabayaran ninyong NENKIN at KENKOU HOKEN monthly na hindi nagbabago ang amount for one whole year, ang binabayaran nyo naman sa KOYOU HOKEN (Unemployment Insurance) monthly ay nagbabago at magkakaiba dahil depende ito sa actual amount ng monthly salary ninyo lalo na kung madalas kayong mag-overtime or meron mga night shift work.


Ang inyong babayaran na monthly contribution ay depende sa inyong total monthly salary using the simple equation below.

MONTHLY CONTRIBUTION = TOTAL MONTHLY SALARY * KOYOU HOKEN RATE

Para sa definition ng bawat item, first ang TOTAL MONTHLY SALARY ay ang total amount na ibabayad sa inyo kasama ang mga benefits na hindi pa nababawas ang mga taxes at social insurance amount. Ang KOYOU HOKEN RATE naman ay ang percentage rate value decided or computed by JAPAN MINISTRY OF LABOR. Ito ay nabababago mostly every year at sinasabi nila ito sa mga employer or company upang ma-compute ng tama ang inyong monthly contribution.

For this year 2017, ang RATE na ito para sa mga employee ay 0.003 or 0.3% lamang. Sa mga employer naman, ang charge sa kanila ay 0.006 or 0.6%. Para sa simple computation nito, kung ang inyong TOTAL AMOUNT SALARY sa isang buwan ay umabot ng 25 lapad, ang inyong babayaran sa KOYOU HOKEN ay 750 YEN lamang. For details, check the computation below.

MONTHLY CONTRIBUTION = 2,500,000 * 0.003 = 750 YEN

Last year 2016, ang RATE na ginagamit ay 0.004, subalit ito ay ibinababa ng Japan Ministry fo Labor simula APRIL 1, 2017 to 0.003 na lamang. Compare sa mga common workers sa mga company, ang binabayaran ng mga nasa construction site workers, and other field (Fishery) of jobs ay mas mataas at ito ay nasa 0.004 now.

Kung inyong mapapansin, maliit ang amount na binabayaran sa KOYOU HOEN compare sa binabayaran na monthly amount sa NENKIN at KENKOU HOKEN. Since malaki ang nakukuhang benefit kapag nawalan kayo ng work or magli-leave kayo dahil sa kayo ay manganganak kung kayo ay babae, it is recommended and advisable na maging member kayo ng KOYOU HOKEN.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.