malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Hwag mag-trabaho ng walang Working Agreement dito sa Japan

Feb. 04, 2019 (Mon), 4,230 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



As we already completed the topic here about Working Visa, pag-uusapan naman natin here ang work contract, working agreement o iba pang tawag dito. Ano ba ang nilalalamn nito na dapat ninyong malaman at unawain bago kayo mag-sign sa document na ito. Iisa-isahin namin ang common na nilalaman nito sa susunod naming mga post dito.


Dito sa Japan, kung kayo ay isang worker, kahit na arubaito lang kayo, contractual, haken syain, regular employee man o hindi, very important ang document na ito.

Merong ibat-ibang tawag ito sa Japanese, pero iisa lamang din ang purpose nito. Ito ang magiging binding contract nyo sa inyong employer na dapat ninyong parehong sundin. Ito rin ang panghahawakan ninyong document in case na magkaroon ng trouble at hindi sinunod ng employer ninyo ang nararapat ayon sa kanilang labor law.

So bago kayo mag-start ng work, in case na kayo ay na-hire ng company or employer ninyo, make sure na meron kayong copy ng docs na ito, na merong sign ang inyong employer. Importanteng meron silang sign or hanko dahil ito ay patunay na sumasang-ayon sila at kayo sa contract na ito.

In case na wala kayo nito at meron nangyari sa inyo, like na accident kayo during working time, wala kayong mahahabol sa inyong employer dahil walang namagitang contract sa inyo, so kayo ang talo lagi.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.