malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang relation ng KOUSEI NENKIN/KYOUSAI NENKIN sa KOKUMIN NENKIN?

Sep. 28, 2017 (Thu), 1,597 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



First, meron dalawang klaseng pension na maaari ninyong salihan dito sa Japan, ito ay ang KOUTEKI NENKIN (Public Pension) at SHITEKI NENKIN (Private Pension). Ang SHITEKI NENKIN ay maaari nyong salihan sa mga private insurance company, at ang KOUTEKI NENKIN naman ay ng pension na hinahawakan mismo ng Japanese government at dito dapat sumali ang lahat ng mamamayan dito sa Japan.


Upang maunawaan ninyo ang tungkol sa KOUTEKI NENKIN (Public Pension) system dito sa Japan, dapat nyong malaman ang relationship ng tatlong klase ng national pension na pwede ninyong salihan. Sinasabing ang pension system here in Japan ay two layer pension system at kinakailangan mong intindihin ito upang hindi kayo malito in case na magtrabaho kayo.

Ang unang layer ng pension system here in Japan ay ang tinatawag na KOKUMIN NENKIN (National Pension). Sa system na ito, lahat ng mga mamamayan dito age 20 to 60 years old na meron registered address maging foreigner man ay dapat sumali dito at magbayad.

Then ang second layer naman ng pension system here ay ang KOUSEI NENKIN (Employee Pension) at KYOUSAI NENKIN (Government Employee Pension). Kapag working ka here in Japan sa mga company or government office, need ninyong sumali sa alinmang pension system na ito.

Ang pinaka foundation ng pension here in Japan ay ang KOKUMIN NENKIN, at kapag ikaw ay kasali sa KOUSEI NENKIN or KYOUSAI NENKIN at nagbabayad ng contribution, part ng binabayad mong contribution ay automatic na napupunta sa KOKUMIN NENKIN at ito ay tinatawag na KISOU NENKIN (Basic Pension).

So whatever your work at anomang NENKIN ang actual na binabayaran natin KOKUMIN NENKIN or KOUSEI NENKIN man, iisa lamang ang meron control nito. Ito ang dahilan kung bakit iisang NENKIN TECHOU (Pension Booklet) lamang ang binibigay sa lahat ng mga member ng nenkin at isang government agency (NENKIN KIKOU)lamang ang namamahala dito.

Also, kung sakaling kayo ay nawalan ng work dahil sa natanggal kayo sa company, pwede ninyong maipag-patuloy ang inyong nenkin from KOUSEI NENKIN to KOKUMIN NENKIN dahil meron na kayong data or contribution sa KOKUMIN NENKIN din.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.