malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mag-ingat sa kumakalat na Recognition of Foreign Divorce Scam

May. 05, 2019 (Sun), 2,659 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga kababayan natin here in Japan na na-divorce sa kanilang mga partner na Japanese or foreiner at nag-aayos ng kanilang papel para maibalik sa pagka-single ang kanilang status at makasal muli, mag-ingat kayo sa mga scam na kumakalat ngayon tungkol sa pag-aayos ng inyong RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE (ROFD) sa Pinas.


Although naging mainit na issue sa Pinas nitong nagdaang mga taon ang pagkakaroon ng divorce law, subalit wala ditong nangyayari at walang pagbabagong nagaganap sa batas sa atin. Sa ngayon, kung pareho kayong pinoy, ANNULMENT sa court ang dapat nyong gawin, at kung foreigner or Japanese naman ang partner ninyo at divorce na kayo here in Japan, ROFD naman ang dapat nyong process sa court sa Pinas.

Ang processing ng ROFD sa Pinas ay hindi madali at mura, kung kayat marami ang mga manlolokong kapwa Pinoy natin na gamitin ito upang magkapera. Ayon sa mga nag-inquire sa amin dito, sila ay naloko ng taong nakilala lang din nila sa SNS. Nagbayad sila subalit ang result pala ng papers na binigay sa kanila ay mga fake at hindi totoo.

Tulad ng annulment, ang pag process ng ROFD ay idadaan din sa court. At kapag ito ay naaprobahan na ng court, maglalabas na sila ng order sa local municipality ninyo kung saan naka register ang inyong kasal at pati sa NSO/PSA upang malagyan ng ANNOTATION ang inyong record na kayo ay ganap ng divorce sa inyong partner. At that time lamang ninyo maipapakita na kayo ay single na at pwede na ulit magpakasal legally.

Ang immigration now ay naghihigpit lalo na sa pagbibigay ng JAPANESE SPOUSE VISA sa mga dati ng divorce. Hinahanapan nila ito ng patunay na document as a proof na talagang single na sila base sa law sa Pinas, at ito nga ay ang meron annotation na Advisory on Marriage or Marriage Certificate. Kapag wala kayong maipakita, malaki ang possibility na hindi rin kayo mabigyan ng visa.

Sa mga gustong mag process ng ROFD, make sure na ang makukuha nyong tao na mag process nito ay license na lawyer or attorney talaga sa Pinas at hindi kung sino-sinong tao na nakilala nyo lamang sa SNS. Kung wala kayong makilalang lawyer, lumapit kayo sa Public Attorney Office sa Pinas upang mabigyan kayo ng assistance.

That way, makakasigurado kayo na hindi kayo maloloko. Ayon sa mga lawyer sa atin, ang pagaayos ng ROFD ay tumatagal ng mahigit 3 YEARS or more pa depende sa court kung saan nyo ito naipasok ang case nyo, at ang expenses ay aabutin ng more than 250K pesos.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.