Paano mapapabilis ang inyong processing sa immigration? Jan. 23, 2019 (Wed), 2,592 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa dami ng mga foreigners sa ngayon dito sa Japan at madadagdagan pa sa darating na panahon, nagiging time consuming na sa ngayon ang pag-process ng anomang application na lalakarin nyo sa Immigration office. At lalong magiging time consuming at mauubos ang inyong oras kung hindi kayo prepared bago kayo pumunta doon.
Upang hindi kayo magaya sa maraming applicants na pumupunta sa Immigration na nauubos ang oras at maghapong pumipila, at maiwasang bumalik pa kinabukasan dahil sa kulang ang mga documents na dapat ipasa, ito ang ilang TIPS namin na maaari ninyong gawin.
Kung kayo ay handa at naka-prepare na rin ang lahat ng mga documents na dapat ninyong ipasa, wala pang isang oras ay matatapos na ang processing nyo sa immigration at maaaring makauwi na kayo agad.
1. Alamin ng mabuti kung ano ang ina-apply
Una sa lahat, dapat na alamin ninyo kung ano ba talaga ang gusto nyong apply o lalakarin sa immigration. What type of visa, o para saang COE ang ina-apply ninyo, etc. Kung alam nyo ito, malalaman nyo rin kung ano ang dapat ninyong prepare na mga documents na dapat ninyong dalhin sa immigration. Check nyo lamang sa immigration website at makikita nyo lahat ng ito.
2. Fill-up all application forms
Ugaliin na sulatan na ang lahat ng application forms ng tamang data at wag gayahin ang mga pumupunta don na don na rin kukuha ng mga application form at susulatan at the time. This will be a very time consuming at siguradong mauubos ang inyong oras. Download and print all application forms na kakailanganin ninyo.
3. Translate all documents not written in Japanese
Kung meron kayong mga docs na hindi nakasulat sa Japanese at ipapasa ninyo ito sa immigration, make sure na meron na kayong Japanese translation nito bago nyo ibigay sa kanila dahil siguradong hahanapan kayo ng immigration personnel. Kung wala kayong Japanese translation ng inyong documents, malaki ang possibility na pabalikin kayo, o hindi tanggapin ang inyong pinapasang application form.
4. Take your picture beforehand
Kung need ng picture ninyo na idikit sa application form, magpakuha na kayo at idikit na sa application form. Wag ugaliin na magpakuha ng picture sa loob ng immigration dahil time consuming din ito. Pipila kayo pag maraming nagpapakuha ng picture, at need nyo pang gupitin ito sa tamang format size bago idikit sa application form. Magpakuha na kayo sa mga photo shop machine sa lugar ninyo beforehand at gupitin sa tamang size bago pumunta ng immigration.
5. Copy your passport and residence card
Have a xerox copy of your passport and residence card. Malimit na kinukuha nila ito, so better na meron na kayong copy para ibibigay nyo na lamang sa kanila just in case na hanapan nila kayo. Dapat nyong gawin ito dahil malimit na mahaba ang pila sa mga xerox machine sa immigration office. You can make a copy sa mga convini dito sa Japan at 10YEN lamang ang charge nila per page.
6. Have a xerox copy of all your docs to be submitted
Ugaliin na xerox ninyo lahat ng docs na inyong ipapasa sa immigration lalo na yong mga visa application dahil magiging reference nyo ito sa susunod na application ninyo lalo na sa VISA EXTENSION application. Marami dito ang hindi na alam ang dapat gawin at kung anong ipapasang documents at the time of their extension application. Kung meron kayong xerox copy na nakatago, magiging reference nyo ito next time.
7. Ugaliing ipasa lamang ang mga xerox copy at hwag original docs
Sa immigration, pwede nyong ipasa ang mga xerox copy lamang ng mga original docs na mahirap kunin tulad ng docs mula sa NSO at mga school records like diploma or TOR. Pwede nyong ibigay sa kanila ang xerox copy lamang after nyong ipakita ang original sa kanila. Dapat nyo lamang ibigay ang original translation nito. By doing this, laging nasa inyo ang original copy ng inyong documents na maaaring gamitin nyo pa sa ibang processing dito sa Japan.
8. Go to immigration earlier
Kung prepare na ang lahat ng docs na dapat ninyong ipasa para sa lalakarin nyo sa immigration, need nyong pumunta din doon ng maaga para nasa unahan kayo ng pila. Recently, sa dami ng mga applicants, meron ng mahabang pila sa harap ng immigration everyday. Usually 9AM ang start ng business hour nila, pero binubuksan na nila ang gate around 8:30AM upang makapasok at makapag prepare na ang mga applicant. Need nyo na nasa unahan ng pila para una kayong makapasok at makapunta sa desidnated window para makakuha ng number.
9. Buy necessary stamp beforehand
Kung gagamit kayo ng mga return envelop, bumili na rin kayo nito agad at isama na rin ang stamp na kailangan at idikit ito. Sa mga pupunta naman for pickup na lamang ng result ng application nila at meron natanggap na hagaki at meron amount na nakalgay kung magkano ang babayaran, bilhin na agad ang equivalent revenue stamp nito sa convini upang iaabot nyo na lamang ito sa immigration personnel.
Thats it. Kung magagawa nyo ang mga TIPS na ito, I assure you na matatapos ninyo agad ang inyong nais lakarin sa immigration at hindi masasayang ang inyong oras, at makakauwi kayo ng maaga na hindi na kakailanganin pang bumalik sa kanila kinabukasan.
Kung kailangan ninyo ang mga application form sa nais ninyong lakarin sa immigration, at translation ng inyong documents, we can provide it here in MALAGO.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|