Ano ang dapat gawin kapag nawala ang Residence Card (RC) sa Pinas? Mar. 10, 2019 (Sun), 10,260 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay uuwi sa Pinas, better na hwag nyo nang dalhin sa lakaran ninyo ang inyong RC at Passport at baka magaya kayo sa ilan nating kababayan na nakaranas na mawalan ng RC pag-uwi nila. Incident happen, di natin maiiwasan yan, kaya as possible, gawin ang nararapat bago mangyari pa ang mga ganitong cases.
Like we said here, ang visa natin ay nakalagay na sa RC na binigay sa atin ng immigration at ito ang ating pinapakita sa airport immigration personnel, sa Pinas man or Japan. So kung ito ay mawala sa inyo, magiging malaking problem sa inyo yan dahil for sure, hindi rin kayo makakabyahe back to Japan ng walang kapalit na maaaring ipakita sa kanila.
Just in case na mawala sa inyo ang RC sa Pinas, ito ang pamamaraan na dapat ninyong gawin upang makabalik sa Japan kahit na wala kayong RC na hawak. Walang procedure, steps or anomang info na makikita sa website ng Japan Immigration at Japanese Embassy sa Pinas tungkol sa case na ito, so we will just share here kung anong mga ginawa ng mga kababayan natin na nag-inquire sa amin here at nag-share ng information. This is for your reference only.
Sa mga kababayan natin here na naka-experince na ng ganitong case, kung meron pa kayong maidadagdag na information here, maaari ninyong share.
Ang mga information na ito ay base rin sa binigay ng Japan Embassy personnel sa kanila ng nag-inquire sila sa Pinas.
STEP 1: REPORT IT TO POLICE
At the time na malaman nyong nawala ang RC ninyo sa Pinas, pumunta agad sa malapit na police station sa lugar ninyo at mag-report. This is a must thing to do para makakuha kayo ng POLICE REPORT na kakailanganin ninyo as a proof na nawala talaga ang RC ninyo.
STEP 2: CREATE AN AFFIDAVIT
Second step na dapat nyong gawin ay gumawa ng affidavit para maipahayag ninyo ang lahat ng statement ninyo sa pagkawala ng inyong RC. Saan, kelan, at paano nawala ang inyong RC ay dapat maging clear ang pahayag ninyo dito. Then, make sure na ipa-notaryo rin sa Pinas ang ginawa ninyong AFFIDAVIT.
STEP 3: INQUIRE TO JAPANESE EMBASSY
Para makasigurado kayo na hindi kayo mahaharang sa pagpasok nyo sa aiport immigration dito sa Japan, mag-inquire at consult sa Japanese Embassy sa Pinas tungkol sa pagkawala ng inyong RC. Maaaring mabigyan nila kayo ng important reminders. Mahalagang gawin nyo rin ito upang magkaroon na agad sila ng information tungkol sa pagkawala ng RC ninyo na ilalagay nila sa system nila as a memo na makikita ng immigration personnel sa airport here in Japan.
STEP 4: TRANSLATE TO JAPANESE ALL DOCUMENTS
Ang nakuha ninyong POLICE REPORT at AFFIDAVIT ninyo na document ay dapat ninyong ipa-translate dahil need na naka Japanese ito at the time na ipakita ninyo dito sa Japan side lalo na pagdating nyo sa aiport immigration.
STEP 5: TRAVEL BACK TO JAPAN
Travel to Japan again na dala ang mga document na nabanggit sa taas with your passport. Ayon sa mga nag-share sa amin ng information here, ito lamang ang inyong maaaring maipakita sa aiport immigration sa Pinas at maaari na kayong papasukin.
STEP 6: RE-APPLY FOR YOUR RC
Matapos ninyong makabalik here in Japan, mag-apply agad kayo ng panibago ninyong RC sa immigration. Be sure na makabalik agad kayo sa Japan kapag nawala ang RC ninyo dahil need na makapag-apply kayo nito again within 14 DAYS ng pagkawala nya.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|