malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


General info about Residence Card (RC) in Japan

Mar. 13, 2019 (Wed), 4,409 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa mga hindi pa rin familiar sa Residence Card system ng Japan na ginagamit now, please read this information para maging aware po kayo tungkol sa RC na hawak ninyo now.


1. First, ang RC ay nagsimulang ibigay ng Japan Immigration noong JULY 9, 2012 kapalit ng ALIEN CARD (AC) na binibigay ng mga local municipality dito sa Japan kung saan kayo nakatira.

2. Ang meron jurisdiction sa pag-issue ng RC ay ang immigration at hindi mga city hall, kung kayat lahat ng katanungan ninyo tungkol dito at mga application related to RC ay sa immigration branch office na malapit din sa inyo dapat nyong gawin.

3. Ang RC ay meron ding expiration so kahit na Permanent Visa (PV) holder ka na, need mong ipa-renew ito. At first, 7 YEARS ang binibigay nilang validity para sa RC ng mga PV na above 16 years old. Sa mga batang PV rin at below 16 years old, ang validation nito ay bago sumapit ang birthday nila kung kayat dapat nyo ring apply ng renewal bago sumapit ang 16th birthday nila.

Since year 2019 ngayon, expected na maraming mga PV holder ang kailangang mag-apply ng renewal ng kanilang RC sa immigration.

4. Ang RC ay binibigay lamang sa mga long term visa holder at hindi nila binibigay sa mga short term visa holder tulad ng mga tourist, at family visit visa na below 90 DAYS lamang ang valid stay here in Japan. Kahit na mag-extend ng visa ang mga ito ng another 90 DAYS, hindi pa rin sila mabibigyan ng RC.

5. Sa mga meron anak na Japanese ang citizenship, hindi nila kailangan na magkaroon ng RC at VISA dahil Japanese citizen na nga sila. Ang RC ay para lamang sa mga foreginer living here in Japan, so no need na mag-alala tungkol sa RC nila.

6. Ang RC renewal application ay madali lamang gawin at walang bayad. At ang bagong RC ay maibibigay rin sa inyo at the day of your application.

7. Ang Visa Extension at RC Renewal application ay magka-iba. Pag visa extension ang ina-apply ninyo, automatic na kukunin din nila ang RC ninyo dahil babaguhin nila ang mga info here at hindi agad sa inyo mabibigay ito dahil need pa nilang evaluate ang visa extension application ninyo. In case na aprobado ang visa extension application ninyo, saka nila ibibigay ang bago nyong RC na meron na ring bagong information. Ang validity ng RC ninyo ay mostly the same sa validity ng visa ninyo. Sa mga PV lang ang magka-iba.

8. Ang RC ay pumalit sa AC kung kayat mahirap na makakuha ng RC ang mga overstayer sa ngayon hindi katulad dati. So pag-hinahanapan kayo ng RC ng mga pulis or immigration personnel habang kayo ay nasa labas, at wala kayong maipakita, malaki ang possibility na overstayer kayo at maaaring mahuli agad kayo.

9. Ang RC ng mga bata below 16 years old ay walang picture, so need nyong apply ng renewal ito kapag dumating na ang 16th birthday nila para malagyan ng picture ito.

10. Bilang isang foreigner living here in Japan, nakalagay sa batas ng immigration na dapat nyong dalhin ang RC lagi, at meron penalty na 20 lapad sa mga lumalabag nito ayon din sa batas nila.

11. Ang visa ng mga foreigner dito sa Japan na dating nakalagay sa passport bilang seal ay nilalagay na nila sa nga yon sa RC, kaya importanteng lagi nyong dala ito bilang idenification ng status nyo here in Japan.

12. In case na mawala ang inyong RC dito sa Japan or outside sa Japan, mag-report agad sa police para makakuha kayo ng POLICE REPORT na kakailanganin nyo sa RC Re-Application ninyo sa immigration office.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.