Kelan at anong case kayo dapat mag-apply ng KOKUMIN KENKOU HOKEN? Jul. 22, 2017 (Sat), 1,056 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Matapos nating ma-define kung ano ang KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance) at kung sino ang dapat mag-apply nito, now lets discuss naman kung kelan at anong cases dapat kayo mag-apply nito.
Ayon sa rules ng insurance system na ito, meron lamang allowed na 14 DAYS para mag-apply kayo ng membership nito. In case na hindi kayo mag-apply sa tamang oras, ang maaaring mangyari ay sisingilin kayo ng biglaan sa mga months na hindi ninyo nabayaran.
One more thing na maaaring mangyari ay hindi kayo makaka-avail ng benefit nila dahil sa wala kayong hawak na HEALT INSURANCE CARD or CERTIFICATE, at need ninyong bayaran ng 100% ang total charge or bill na sisingilin sa inyo ng hospital.
Below are the cases kung kelan kayo dapat mag-apply ng KOKUMIN KENKOU HOKEN sa inyong lugar dito sa Japan.
(1) Kung kayo ay lilipat ng lugar from one city to another city.
(2) Kung kayo ay nanganak at meron bagong new born sa inyong family.
(3) Kung kayo ay nag-stop na sa pagtanggap ng SEIKATSU HOGO.
(4) Kung kayo ay nag-stop sa KOUSEI KENKOU HOKEN (Company Health Insurance) sa work place kung saan kayo nagta-trabaho.
(5) Kung kayo ay nawala sa pagiging dependent sa company health insurance ng inyong partner
(6) Kung kayo ay foreigner na titira or stay sa Japan ng more than 3 months
Para sa lahat ng maninirahan sa Japan at walang other health insurance na makukuha sa kanilang working place, mandatory po at obligation natin na sumali at maging member ng insurance system na ito. Once na kayo ay naka-register na sa city hall, automatically na mati-trace nila kung kelan kayo nag-start na manirahan dito sa Japan at ito ang kanilang magiging basehan para sa starting date ng inyong magiging contribution.
So kung di kayo nakakabayad simula ng pagdating nyo here, maaaring maipon ito at kinakailangan ninyong bayaran. Kung sakaling naipon na ang inyong bayarin, maaring mag-consult kayo sa city hall para sa detalye nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|