Ano ang inyong gagawin kapag kayo ay nakapulot ng pera dito sa Japan? Jun. 21, 2017 (Wed), 1,863 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng nababalita, maraming mga napupulot na pera dito sa Japan na tinatapon ng iba or accidentally na naitapon. Now, in case na kayo ang makakita o makapulot ng pera na maaaring malaki ang halaga, o isang importanteng bagay, ano ang gagawin ninyo?
Actually meron law behind this, at ito ang share namin sa inyo sa article na ito. Dito sa Japan, meron silang law about LOST AND FOUND, at ito ang tinatawag na 遺失物法 (ISHITSU-BUTSU-HOU) or LOST GOODS LAW in English. Sa law na ito, napapaloob ang mga batas na sumusunod. Tandaan nyo ito lagi para alam ninyo kung ano ang inyong gagawin at the time na kayo ay makakita ng pera o isang mahalagang bagay. Kung meron kayong makitang mali or kulang sa info na ito, let us know.
REPORTING TO POLICE
According to the law, ang pagri-report nito sa mga pulis ay meron ding limit kung gusto nyong magkaroon ng reward at ito ay dapat gawin WITHIN 7 DAYS na nakita nyo ang pera or isang bagay. Kahit na 1 YEN lamang, sinasabi na pwede mo rin itong report sa mga pulis, subalit halos walang gumagawa nito dahil sa abala lang. Kapag nag-report ka nito sa pulis, bibigyan ka ng AZUKARISYOU (CLAIM CHECK) na nagpapatunay ng pag-report ninyo sa item. Hwag ninyo itong iwawala at itago ninyo dahil mahalagang documents ito.
STORING THE FOUND ITEMS OR MONEY
Ang nai-report na pera or item sa pulis ay kanilang ilalagay sa kanilang jurisdiction at hihintayin nilang kunin ito ng may-ari na naghahanap. Ang period na ito ay within 3 MONTHS lamang. Kapag hindi nagpakita ang may-ari ng napulot na bagay, ang pagmamay-ari nito ay mapupunta sa NAKAPULOT NA TAO.
CLAIMING THE FOUND ITEMS OR MONEY
In case na hindi nagpakita o walang nag-report na naghahanap sa nakitang item o pera, ang pagmamay-ari nito ay mapupunta sa nakapulot na tao. After 3 MONTHS, confirm nyo ito sa pulis kung nakuha na o hindi pa dahil hindi magbibigay or magpapadala ng NOTICE ang mga pulis tungkol dito. Dalhin ninyo ang CLAIM CHECK na binigay sa inyo before, kasama ang inyong HANKO at RESIDENCE CARD para ma-claim ang napulot ninyong pera o item. Kung wala kayong RESIDENCE CARD, dalhin ninyo ang inyong PASSPORT. Ang pag-claim dito ay meron ding limit period at ito ay 2 MONTHS lamang. So make sure na makuha nyo agad ito sa loob ng 2 MONTHS dahil pag hindi, ito ay mapupunta sa kinauukulan at mawawalan na kayo ng RIGHTS.
REWARDING THE PERSON
In case naman na lumitaw ang taong naghahanap sa item o pera na inyong napulot within the allowed period, pwede nyang ma-claim ang item sa mga pulis. But, its their duty na bigyan kayo ng REWARD. Ayon sa law, ang reward ay nasa 5% to 20% ng actual value ng item na napulot. Ang pagbabayad or reward payment ay dapat gawin ng may-ari within 1 MONTH ayon sa law.
PAYING THE TAXES
Kung walang nag-claim sa pera or bagay na inyong napulot at ito ay napunta sa inyo ng buo, o na-claim ito ng tunay na ma-ari at binigyan kayo ng REWARD, kinakailangan ninyong magbayad ng tax. Ang REWARD na inyong natanggap o perang inyong nakita na napunta sa inyo ay kino-consider nilang ICHIJISYOTOKU (OCCASIONAL INCOME) tulad ng tinamaan ninyo sa mga karera at iba pa, kung kayat kinakailangan ninyong magbayad ng tax dito. Ito ay isasama nila sa inyong INCOME at mula sa TOTAL INCOME ninyo, kukunin nila ang INCOME TAX na sya ninyong babayaran. Meron pang mga deduction dito, and in general, kapag ang amount na REWARD or PERA na inyong napulot is below 50 lapad, wala na daw pong tax na babayaran.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|