malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano maiiwasan ang mataas na bayarin sa panganganak?

Apr. 30, 2018 (Mon), 2,600 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Hanggang hindi nyo pa naisisilang ng ligtas ang inyong baby na dinadala, ang laging maiisip ng isang mag-asawa ay kung magkano ang magagastos nila sa panganganak ng misis lalo na dito sa Japan.

Kung normal delivery lang siguro ay walang magiging problem, subalit kapag meron ginawang delicate na operation tulad ng caesarean section at nagkaroon pa ng komplikasyon ito, dito na kayo maaaring magkaroon ng problem sa bayarin dahil maaaring lumaki ito na hindi na kaya ng budget ninyo at mamaaring makaapekto sa pamumuhay ninyo dito sa Japan.


Subalit meron way na maaari ninyong gawin at meron benefit na pwede ninyong apply sa inyong health insurance company upang maiwasan ang malaking bayaran sa inyong panganganak upang hindi kayo mangamba kung sakaling dumating man ang situation na iniiwasan ninyo.

Ang system na ito ay ang tinatawag na 限度額適用認定証 (GENDOGAKU TEKIYOU NINTEISYOU), and its called [Certificate of Eligibility for Ceiling-Amount Application] sa English.

Ang system na ito ay ginawa upang matulungan ang mga health insurance member na mabayaran ang mataas na amount sa kanilang medical bill kung sakaling dumating ang oras na iyon. Sa madaling salita po, kung ano yong na-declare nyo na amount na kaya nyo lang bayaran, yon lang ang babayaran ninyo no matter how expensive yong charge na medical bill sa inyo ng hospital.

Kung sa panganganak ninyo ay nagkaroon ng hindi maiiwasang operation at tumagal kayo sa loob ng hospital, magiging malaki ang bill ninyo for sure. Pero kung meron kayong card na ito, wala kayong dapat na ikabahala dahil di ninyo sasagutin ang anomang bayaran na over sa na-declare ninyong kaya nyong bayaran.

Kapag meron na kayo ng card na ito, ibibigay nyo lang ito sa hospital kasama ang health insurance card nyo kapag kayo ay papasok na upang malaman nila ang situation ninyo. That way, safe kayo sa anomang mangyari sa panganganak ninyo at sa magiging bayarin ninyo after na manganak kayo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.