malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


KOKUMIN KENKOU HOKEN Benefit 7: 42 LAPAD na Lump-sum allowance for childbirth

Aug. 06, 2017 (Sun), 2,151 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay member ng KOKUMIN KENKOU HOKEN at the time na nanganak kayo here in Japan, you can get this benefit. Like I said, ang requirements po nito is member dapat kayo ng KENKOU HOKEN, so kung hindi po, wala rin kayong rights na makakuha nito, so wag na rin po kayong magtanong kung paano ito makukuha.


Ano ang Lump-sum allowance for childbirth?
Ang benefit na ito ay tinatawag sa Japanese na 出産育児一時金 (SYUSSAN IKUJI ICHJIKIN). Sa mga members, maging KOUSEI KENKOU HOKEN man or KOKUMIN KENKOU HOKEN, you have the rights to apply for this.

Unlike kapag nagkasakit ka, actually, ang KENKOU HOKEN ay hindi ninyo magagamit para sa inyong magagastos sa pagbubuntis at panganganak here in Japan. And need ninyong bayaran ang total amount nito. So, para mabawi or maibalik sa inyo ang inyong nagastos sa pagbubuntis at panganganak, dito lumabas ang SYUSSAN IKUJI ICHJIKIN benefit na ito according sa law ng health insurance.


Magkano ang natatanggap sa benefit na ito?
Kung kayo ay member, or na-declared na kayo ng inyong asawa na dependent nya at member na rin now, at kayo ay buntis ng more than 4 MONTHS, then you can apply for this amount na umaabot sa 42 LAPAD.

If ever na ang inyong pinanganak na bata ay KAMBAL, ang inyong matatanggap na amount ay doble at aabot sa 84 LAPAD. So kung kambal ang anak ninyo, don't forget na ipasulat ito sa inyong doctor bilang proof. Actually ang amount na ito ay maaari pang madagdagan kung ang inyong municipality ay meron mga FUKA KYUUFU na tinatawag kung saan binibigyan nila ng cash amount ang mga parents na nanganak.

In case na kayo ay nabuntis, at sa kasamaang palad ay nakunan or namatay ang inyong dinadalang bata, maaari pa rin kayong makapag-apply ng benefit na ito.


Sino ang pwedeng mag-apply nito?
Una, ang pwedeng mag-apply nito ay ang mga babaeng nagta-trabaho at member ng isang KOKUMIN KENKOU HOKEN. Then, ang mga asawa ng isang lalaki na member ng isang health insurance sa company nila kung saan ito nagta-trabaho. Kinakailangang na-declare nya ang kanyang asawa na dependent din nya at naging formal member ng health insurance.

Now, kung ang isang babae na nagtrabaho ay huminto sa trabaho at nanganak, maaari syang mag-apply din ng benefit na ito sa KENKOU HOKEN kung saan sya member before. Ang condition lang ay dapat na member sya for more than 1 year, at nanganak sya ng within 6 months after na huminto sya sa work.


Paano ang payment ng Lump-sum allowance for childbirth?
Dahil sa ang benefit na ito ay bilang tulong sa mga gastusin sa panganganak ng isang nanay, ang payment nito ay kadalasang dini-diretso nila sa hospital or saan mang medical facilities kung saan nanganak ang mother. Ang tawag dito ay 直接支払制度 CHOKUSETSU SHIHARAI SEIDO (Direct Payment System).

In case na ang bayarin ay lumagpas sa 42 lapad, ang sobra nito ay dapat bayaran ng family directly sa hospital. Now in case naman na meron natira, ang amount na natira ay ibibigay sa family at deposit sa bank account nila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.