malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa hindi pagdala ng Residence Card dito sa Japan

Feb. 03, 2017 (Fri), 5,392 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng alam na ng karamihan dito sa Japan, ang bawat foreigner na naninirahan in Japan in long term basis ay binibigyan ng Residence Card (RC) ng Immigration na syang pumalit sa Alien Card na binibigay naman ng local city hall noon.


Ang Residence Card na ito ay naglalaman ng ilang mahahalagang information ng isang holder at duty ng bawat isa sa atin na lagi itong dalhin saan man tayo pumunta dito sa Japan. Kapag hindi mo ito dala o wala kang maipakitang RC at the time na kayo ay na-check ng mga pulis o Immigration Personnel, meron nakalaang penalty ang Japanese government dito.

(第75条の3) 在留カードを常時携帯していなかった者は、20万円以下の罰金に処せられます。

Ayon sa kanilang law, ang penalty para sa mga hindi nagdadala ng RC ay MULTANG HINDI LALAGPAS SA 20 LAPAD.

So laging tandaan, kung kayo ay nabigyan ng RC na, make sure na lagi nyo itong dala-dala pag kayo ay lalabas ng bahay upang maiwasang magbayad ng penalty na ito pag kayo ay na-check. Sa mga short term basis visa holder naman like TOURIST VISA at FAMILY VISIT VISA, since wala kayong RC, make sure na ang passport nyo naman ang lagi nyong dala tuwing lalabas kayo ng bahay.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.