malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


About Your Visa and Landing Permit sa Pagpasok sa Japan

Oct. 30, 2014 (Thu), 1,194 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



You are already happy because you got your visa to enter in Japan. But wait, you are still not 100% sure na makakapasok dahil meron ka pang dadaaanan na Airport Immigration bago ka makayapak sa bansang Japan.

Di mo alam, baka mapabilang ka sa A to A incident (Known as Airport to Airport) na kinahihinatnan ng ilan nating kababayan pag lapag nila sa airport sa Japan. Basahin ang information sa baba upang malaman mo kung ano talaga ang main purpose ng visa at ano ang pagkakaiba nito sa Landing Permit.


ABOUT VISA
Basically, as define in Immigration Act of Japan, ang lahat ng mga papasok here in Japan na mga foreigner should be holding a PASSPORT na issue in their origin country, at VISA na issue ng Japanese Embassy sa bansang kanyang pinang-galingan.

Holding a visa ay nangangahulugan na ang pagpasok at pag-stay dito sa Japan ay walang magiging problem. Ang visa ay hindi nangangahulugan na makakapasok na ang isang foreigner dito sa Japan, ito ay isa lamang sa mga requirements na kinakailangan sa screening ng Immigration sa pagpasok mo dito sa Japan upang ikaw ay mabigyan ng LANDING PERMIT.

Ang visa ay kinakailangan kunin sa bansang inyong pinanggalingan at ito ay hindi ibinibigay upon your arrival sa Japan.


ABOUT LANDING PERMIT
Ang Immigration Personnel at the airport will start their screening upon your arrival kung ang pagpasok mo sa Japan ay nararapat o hindi base sa Immigration Act Law of Japan. Sa screening na ito, kinakailangan mo ang PASSPORT, VISA na meron valid purpose and period of stay. Kung makapasa ka sa screening or checking nila, they will issue you a LANDING PERMIT. Ang LANDING PERMIT na ito ay karaniwang naka seal sa PASSPORT ninyo kung maikli lamang ang period of stay nyo here in Japan. Kung long term ang stay nyo here, they will give you a RESIDENCE CARD (RC).

Sa LANDING PERMIT na nilagay sa passport ninyo or RC, nakasaad dito ang magiging RESIDENCE STATUS nyo sa Japan at ang valid PERIOD OF STAY ninyo.

Ang VISA ninyong hawak ay mawawalan na ng silbi or halaga at the time na mabigyan na kayo ng LANDING PERMIT. Para sa mga MULTIPLE ENTRY VISA, ito ay mananatiling valid pa rin hanggang sa matapos ang validity period nito.

Ang inyong naririnig na VISA EXTENSION Application, or VISA STATUS CHANGE Application ay hindi tama at ang mga word na ito ay mga gawa gawa lamang dahil tulad ng nabanggit sa taas, wala ka ng magiging hawak na VISA at the time na mabigyan ka ng LANDING PERMIT.

Ang tamang terminology para dito na nakasaad din sa Immigration Act of Japan ay RESIDENCE STATUS CHANGE Application at RESIDENCE PERIOD EXTENSION Application.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.