malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Preparation need to do in having a baby here in Japan

Apr. 15, 2018 (Sun), 3,089 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga gustong magka-anak na pinaplano talaga nila ito dito sa Japan, I think that will be good for you para maisagawa nyo rin ang mga preparation na dapat gawin. Sa mga nabubuntis ng walang plan, I think it will be a big disadvantage sa inyo dahil malaki ang magiging epekto nito lalo na kung ang anak ay magiging isang illegitimate child.


Ito ang mga preparation na dapat ninyong gawin kung kayo ay magbubuntis or plano ninyong magka-anak dito sa Japan:

1. Registration of residency in City Hall
Ang Residence Certificate or JUUMINHYO na tinatawag sa Japanese ay isang mahalagang document na malimit na hinahanap ng mga government office or agencies dito sa Japan lalo na kung mag-aapply kayo ng mga benefits. So sa mga nanay na magbubuntis, make sure na kayo ay legal na naka register sa inyong tinitirahang lugar dito sa Japan.

Sa mga Pinoy na dinala nila ang kanilang asawa here in Japan, make sure na inilagay nyo sila sa inyong JUUMINHYO. Marami sa iba na nakakalimutan itong gawin dahil ang akala nila ay OK na dahil meron nang nakuhang Residence Card sa Immigration. Be aware na after makakuha ng RC ang inyong asawa, need nyo po silang ipa-register din sa city hall.

Sa mga overstayer na nabubuntis, na walang legal na registration, ito ang magiging malaking disadvantage sa inyo dahil malaki ang possibility na hindi kayo makakapag apply ng mga benefits na maaari nyong ma-avail sa inyong local government.


2. Registration in Health Insurance as a dependent ng asawa
The second thing na dapat nyong confirm ay kung kayo ay nakapasok or member ng KENKOU HOKEN (Health Insurance) maging ito ay sa KOKUMIN KENKOU HOKEN or sa KOUSEI KENKOU HOKEN. Ang pagiging member dito ay napakalaking bagay lalo na sa magiging gastusin nyo sa panganganak.

Bago kayo magbuntis, make sure na ma-confirm nyo ito upang maka-avail kayo ng mga benefit. Hindi pwedeng magiging member lang kayo at the time na buntis kayo dahil meron mga company or health insurance company na hindi tumatanggap ng registration at that time.

Sa mga meron asawa working as an employee sa mga company, make sure to confirm to your husband kung kayo ay na-declare nilang dependent na nila at meron na kayong hawak na health insurance card. Sa mga non-working naman or self-employed, make sure na nagbabayad kayo ng inyong KOKUMIN KENKOU HOKEN bago kayo mabuntis upang maka-avail din kayo ng benefit at the time na magbuntis kayo at manganganak.


3. Confirmation of Materntiy Leave policy ng company
Sa mga babae na working here in Japan, bago kayo magbuntis, confirm ninyo kung meron Maternity Leave (SANKYU) policy ang inyong company na pinagtatrabahuan para malaman nyo kung gaano katagal ang allowed nila at kung magkano ang matatanggap ninyong salary during that period. Sa mga father working din, meron ding SANKYUU kayong pwedeng apply sa company kung sila ay meron policy.

This is very important para malaman ninyo kung magkano ang magiging income nyo rin during your maternity leave. Meron mga company din na hindi na pinababalik ang isang babae na nanganak, so be very careful about this matter dahil baka mawalan din kayo ng work.


4. Unemployment Insurance membership confirmation
Sa mga babae na planong magbuntis at working now, subalit walang maternity leave policy ang company na pinagtatrabahuan, you can avail some benefits also in this insurance kapag kayo ay nanganak. So make sure na ma-confirm ninyo kung kayo ay member nito at nagbabayad ng inyong monthly contribution.

This is called KOYOU HOKEN sa Japanese. Confirm it to your salary payslip kung meron binabawas sa sahod ninyo bilang kabayaran nito.

Lastly, make sure din po na ang lalaking makakabuntis sa inyo ay talagang responsible at kayang panagutan lalo na sa acknowledgement ng magiging baby ninyo upang maging madali sa inyo ang registration ng bata dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.