malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bakit ang BONUS ay meron ding bawas para sa syakai hoken?

Jan. 10, 2019 (Thu), 5,336 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga tumatanggap ng bonus lagi dito sa Japan twice a year, tuwing June/July and December, siguro napapansin nyo na meron bawas ang inyong natatanggap na bonus para sa syakai hoken(kousei nenkin, kousei kenkou hoken).


Maitatanong ninyo sa inyong sarili na parang doble ang inyong binayad dahil meron ng bawas din sa inyong usual monthly salary. So bakit ganito ang system nila tungkol sa syakai payment mula sa bonus na natatanggap.

Actually, hindi daw ganito ang system dito sa Japan before. Walang kaltas ang natatanggap nilang bonus before para sa syakai hoken. Ayon sa mga website ng mga syakai hoken specialist, nagsimulang magkaroon ng bawas sa bonus para sa syakai hoken noong APRIL 2003 dito sa Japan.

Before, ang system nila talaga ay walang bawas sa bonus na natatanggap nila, at ang monthly salary lamang nila ang nababawasan bilang payment ng mga employee here sa kanilang syakai hoken.

Kaya lang, dumami ang mga nanloloko na mga company or employer kung kayat binago nila ang system. As you know, ang company ay nagbabayad ng 50% ng syakai hoken ng isang employee. So para makatipid sila at makatakas sa obligation, ang ginagawa daw ng karamihan before ay binababaan nila ang monthly salary ng kanilang mga employee, at ang kakulangan dito ay binibigay nila during bonus period dahil walang bawas or dapat silang bayaran na syakai hoken dito.

This mean na win-win para sa mga employee at company rin dahil mas malaki ang natatanggap nilang bonus at lumiliit ang binabayaran nilang syakai hoken contribution.

Dahil sa maraming mga gumagawang company nito before, naalarma ang mga mambabatas at binago nila ang batas at isinali ang bonus sa pagbabayad ng syakai hoken simula noong APRIL 2003. Then until now, ito na sa ngayon ang naging batas.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.