Working Agreement: Basic Salary Mar. 06, 2019 (Wed), 1,322 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
The next item that you should check on your Working Agreement (WA) bago nyo ito pirmahan bilang pag sang-ayon nyo sa condition na binigay sa inyo ng inyong company or employer ay ang magiging basic salary ninyo o tinatawag na 基本給 (KIHONKYUU) sa Nihongo.
Ang tinatawag na Basic Salary dito sa Japan ay ang pinaka primary salary ninyo na hindi pa kasama ang mga benefits, overtime charge at iba pang maaaring maging kabayaran ng company sa inyo sa loob ng pagtrabaho ninyo sa isang buwan. Ito ang amount na pinaka-least na matatanggap ninyo in case na wala kayong overtime, and other payment na matatanggap mula sa employer ninyo.
Ang pag-set ng Basic Salary para sa isang employee ay maraming pinagbabasehan tulad ng age, working experience, education background, skill, license at iba pang bagay. Mostly meron table ng basic salary ang mga company lalo na yong mga large scale company.
Tulad ng nabanggit above, isa sa pinagbabasehan nila sa pagbigay ng basic salary ay ang educational background, so its a common sense lang na mas malaki ang basic salary ng mga degree holder compare sa mga high school graduate lamang kahit na sabay pa silang pumasok sa company.
Importante na malaman nyo ang inyong basic salary, and as possible, makipag negotiate kayo na itaas ito dahil ito ang pagbabasehan sa computation ng inyong overtime at kapag nag work kayo during weekend and holiday, at pati na rin ang magiging bonus ninyo. So the bigger it is, mas malaki rin ang magiging kabayaran sa inyo sa overtime charge.
Bilang inyong reference, sa ngayon dito sa Japan, sinasabing ang basic salary ng mga High School graduate lamang ay pumapatak sa 16 to 17 lapad monthly, depende sa business field na kanilang napasukan, then sa mga college graduate naman, ito ay nasa 19 to 20 lapad monthly, at sa mga college graduate na meron masteral or doctorate holder, nasa 23 to 25 lapad monthly naman ang kanilang basic salary.
Sa mga arubaito or part time worker naman dito sa Japan, kadalasan ang magiging basic salary ninyo ay 時給 (JIKYUU) salary per hour na tinatawag. Ang pinagbabasehan dito ay ang minimum wage na itinakda ng Ministry of Labor sa bawat prefecture kung saan kayo nagtatrabaho dito sa Japan. So, dapat ang per hour salary ninyo ay hindi bababa sa minimum wage na ito. Importante na malaman ninyo ang minimum wage ng prefecture kung saan kayo nagtatrabaho, then compare nyo ito sa WA na binigay sa inyo kung tama ba o hindi.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|