NENKIN BENEFIT 3: Bereaved Family Pension Oct. 16, 2017 (Mon), 1,518 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is the third main benefit na makukuha ninyo sa NENKIN at ito ay tinatawag sa Japanese na 遺族年金 (IZOKU NENKIN) or Pension Benefit para sa mga naiwan na dependent ninyo or family members ng isang nenkin member na namatay. Ito ay gumaganap na LIFE INSURANCE ninyo sa nenkin. So kung wala kayong LIFE INSURANCE at nag-aalala sa mga maiiwan ninyo just in case na meron mangyari sa inyo here in Japan, don't worry too much. Kung nagbabayad kayo ng NENKIN here in Japan, meron maiiwan or matatanggap ang inyong family just in case na mawala kayo.
Kung nagbabayad kayo ng NENKIN, actually di na ninyo need pang kumuha ng life insurance sa mga private insurance company dahil sakop na ito sa benefit na maaaring makuha nyo sa NENKIN just in case na mawala kayo.
Kung meron kayong maliliit pang mga anak, I recommend na magbayad kayo ng tama sa NENKIN at mag-contribute monthly dahil ito ang syang makakatulong sa inyo at sa inyong mga anak hanggang sa sila ay makatayo na sa kanilang mga sariling paa. Dahil sa NENKIN, secure na ang disability insurance mo, pati na rin ang life insurance mo.
Kung kayo ay pasok na sa mga condition para makatanggap ng benefit na ito bago man kayo mawala, ang inyong mga anak ay secure na hanggang sa sila ay maging 18 years old dahil patuloy silang makakatanggap ng benefit na ito. Maging ang pinagbubuntis pa lang na bata ay sakop nito in time na mawala ang isang parent na member ng nenkin.
Ang matatanggap na benefit na ito ay iba-iba at hindi pare-pareho ang amount kung kayat need ninyo mag-apply at consult sa nenkin office. Ang pinagbabasehan nila dito ay ang contribution amount ninyo sa nenkin, contribution period, number of dependents, age ng mga anak na dependents, type ng nenkin na sinasalihan at iba pa.
Para sa mga requirements sa pag-apply nito, kinakailangang ang DEATH CERTIFICATE (SHIBOU TODOKE) ng member na namatay, Juuminhyou, income certificate ng applicant at pati na rin ang mga anak nito kung meron, bank account, hanko (seal) at iba pa. May mga kailangan pang ibang documents din depende sa kung ano ang ikinamatay ng isang member tulad ng accident na sanhi ng ibang tao. Maaari ninyo itanong ang complete details tungkol dito sa nenkin office.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|