malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Pwedeng bang mag-apply ang foreigner ng Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 28, 2015 (Wed), 1,497 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Its been an issue here in Japan kung dapat bang isama ang mga foreigner (Permanent Visa Holder) na payagang makapag-apply at tumanggap ng Seikatsu Hogo benefit until now dahil sa magkakaibang interpretation sa nakasulat na batas tungkol sa obejective ng Seikatsu Hogo.


Sa ngayon ang sagot sa tanong na ito ay YES at NO at the same time rin. NO, dahil by law kung saan nilinaw ng court noong year 2014 base sa naging hatol na rin sa law suit na isinampa ng isang foreigner ng hindi naaprobahan ang kanyang application, sinasabi at nilinaw dito na hindi kasama or hindi dapat aprobahan ang seikatsu hogo application ng isang foreigner.

YES, din ang sagot dito dahil maraming mga foreigner ang actual na tumatanggap ng benefit na ito until now kahit na sinabi pa ng court na hindi sila kasali dapat. May mga local government na tumatanggap at nag-aaprob ng application ng isang foreigner at meron din hindi. So, ang approval ng application ng isang foreigner here ay naka-depende now sa mga local government kung aaprobahan nila ito or hindi.

Sa nakikitang situation now, kapag meron enough budget ang isang local government, meron possibility na kahit application pa ng isang foreigner na nangangailangan ng support, they will approved it. Subalit kung wala at kapos din sa budget ito, malaki ang possibility na hindi ito tanggapin kahit ikaw pa ay isang foreigner na meron permanent visa. Isa pa, at the time na hindi ka inaaprobahan at gusto mong lumaban sa naging hatol nila, malaki ang possibility na matalo rin kayo sa court dahil ang court na rin ang nagsasabi na hindi kasama ang mga foreigner na dapat tumanggap ng benefit na ito.

So the conclusion here is kung nangangailangan kayo ng financial support in living here in Japan at foreigner kayo, just try to apply for seikatsu hogo in your place dahil hindi nyo rin po alam kung maaprobahan ba or not. Malay nyo they will approve it base sa situation ng pamumuhay nyo dito sa Japan at kapag meron more than enough budget ang local government ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.